Kabanata 3

273 17 9
                                    

Sa totoo lang nais ko pang mamasyal pero bigla akong nawalan ng gana. Ang gusto ko na lang ay umuwi. Dire-diretso akong pumasok sa aking silid. Sinabi ko na lang kay ina na napagod ako at gusto ko nang magpahinga. Bagamat nagtataka siya kung bakit mabilis lang ang pamamasyal namin, hindi na siya nang-usisa pa.

"Senorita? Ayos lang po ba kayo? Gusto nyo po ba ng inumin?"nag-aalalang tanong sa akin ni Laura

"Ikuha mo na lang ako ng tubig Laura. Maraming salamat."utos ko sa kanya

Hindi ko alam kung bakit masyado akong apektado sa nangyari kanina. Siguro dahil nasasabik lang ako sa isang kaibigan. Namimiss ko lang siguro ang magkaroon ng kakwentuhan at ang makasama ang mga kakilala ko sa Maynila. Sa totoo lang naman, wala naman dapat iyon sa akin, nito lang naman kami nagkakilala, kahit paano naman siguro ay may kaibigan na ako rito sa San Martin. Masyado lang siguro akong nagulat sa naging sagot niya.

Tama! Marahil sabik lamang ako sa tao, kung posible man iyon.

Nang dumating si Laura, dala dala ang iniutos ko ay pinaalis ko na agad ito. Nagkulong lamang ako sa kwarto, tila hinihintay ang paglipas ng oras. Hinayaan ko na ang sarili ko na huwag mag-isip. Napapagod na rin ako.

Malapit nang mag-gabi nang muling umakyat si Laura. Nakaupo lamang ako sa silya malapit sa aking kama. Lumingon ako sa kanya at agad ko siyang tinanong nang may naisip ako.

Ito na! Ito na ang magpapaalis sa akin sa pagkabaliw! May makakausap na akong ibang tao! Nararamdaman ko, ito na!

"Laura, may mga kaibigan ba ako rito sa San Martin?"tila mapupunit ang labi ko sa sobrang pagkakangiti

Alam ko mayroon! Friendly kaya ako, kaya imposibleng wala!

"Mayroon po Senorita."sabi niya at ngumiti

Oh diba? Neks nemen. Hindi loner ang lola mo. Ako talaga 'to e!

"Ang mga naging kaklase nyo po noong nag-aaral pa kayo. Sina Binibining Isabella at Binibining Carmen."

Napangiti ako nang marinig ang mga pangalan nila! Buti na lang! Isa nga sila sa mga kaibigan ko sa kasalukuyan! Kahawig ng mga pangalan nila ang pangalan nina Carmie at Isabelle! Sana ganoon rin ang mukha nila. Hoy! Baka ibang tao 'to ah!

"Nais ko silang makita."sabi ko at masiglang tumayo

"Pero Binibini, patawad dahil nagbabakasyon sila  kasama ang kani-kanilang pamilya. Si Binibining Carmen ay pumuntang Visayas at si Binibining Isabelle naman ay sa ---"

"Mindanao?"dugtong ko na may pang-iinis

"Po?"tanong niya nang nais niyang malinawan.

"Nasaan si Isabella?" tanong ko

"Hindi nyo po ba nabalitaan? Pumunta po silang Espanya, ikaw pa po Senorita ang nagsabi sa akin na lubhang ikinalungkot mo. Kaya naisipan mo noong lumabas."paliwanag niya

"Kailan sila babalik?"malungkot kong tanong

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ang pangarap kong maging taong muli ay nawala. Wala na naman akong makakausap na iba.

"Hindi ko po alam, Senorita. Hindi nyo pa nabanggit sa akin. Pero marahil malapit na po lalo na at nasa Pilipinas lamang ang Binibining Carmen."

Malungkot akong tumango. Hindi ko mapigilan ang mainis! Bakit sa dami ng araw na pwede silang magbakasyon ay ngayon pa? Wala rin bang balak magbakasyon ang pamilyang Dela Montejo?

Lihim ng KahaponWhere stories live. Discover now