Kabanata 7

267 24 6
                                    

Nang makarating ako sa aming bahay. Agad naman akong bumaba. Kanina ko pa pinipilit si Laura na sabihin sa akin ang panauhin ngunit hindi siya magsalita. Isa raw iyong magandang sorpresa na lubos kong ikagagalak. 'Yan mismo ang sinabi niya sa akin, napakalalim. Jusko.

Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi sagad ang nararamdaman kong kasiyahan. Umiling ako para alisin ito sa aking isipan.

Sa oras na makatungtong ako sa aming tahanan, nanlaki ang mata ko sa nakita. Dalawang babae ang nakaupo sa silya malapit sa hapag kainan at masayang nagkekwentuhan.

"Isabelle! Carmie!!"sigaw ko at umirit nang tuluyan nang makita silang dalawa na maayos ang pagkakaupo.

Niyakap ko silang dalawa at hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko sa saya. Sa wakas, may iba na akong kilala dito.

"Girl! Miss na miss ko na kayo. Super! Kaloka! Bakit ngayon lang kayo? Nakakastress mag-isa!"sabi ko habang yakap yakap silang dalawa

Lumayo na ako sa kanila at nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. Tila naging doble ako sa kanilang paningin at hindi maintindihan ang gagawin.

"Anong sinabi mo Divina? May dinaramdam ka ba?"nagtatakang tanong ni Isabelle este Isabella

"Anong ginawa mo sa aming mga pangalan?"sabi ni Carmie este Carmen at tumawa

"Ano? Pasensya na. Nabigla ako, hindi ko na nabigkas nang maayos ang pangalan nyo."pagdadahilan ko

Umiling si Carmen at humawak sa kamay ko.

"Wala iyon. Maging kami man ay natutuwa sa aming pagbabalik at magkakasama na tayong muli."sabi niya at ngumiti

Dinalhan kami ng pagkain ng mga tagapagsilbi habang nagkwekwentuhan.

Kamukha rin nila ang mga kaibigan ko sa kasalukuyan. Nakakatuwang isipin na kung ang mga ugali kaya nila dito ay katulad rin nang sa kasalukuyan.

"So how's your vacation?"naeexcite kong tanong

Napansin ko naman ang pagtigil nila sa pagkain nang marinig ang sinabi ko. Nanlaki ang mata ko nang maisip ang mga sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin, kumusta ang naging bakasyon nyo?"pang-uusisa ko

Para naman silang nabunutan ng tinik sa sinabi ko. Dumukot si Isabella ng tinapay na nakatapat sa amin habang si Carmen naman ay nagsalita.

"Maganda sa Visayas Divina. Hindi lamang ang tanawin ngunit maging ang mga tao roon ay magigiliw. Ninanais ko na sana ay makapunta ka rin at makalibot sa ibang lugar doon tulad ng nagawa ko."kwento ni Carmen

Kita ko sa mata ni Carmen ang saya ng dulot ng pamamasyal nila. Tumingin ako sa gawi ni Isabella na tinapos munang kainin ang tinapay bago ngumiti sa akin at nagsalita.

"Hindi ko maitatangging napakaganda rin ng Espanya, nakakamangha ang mga lugar doon kumpara rito sa Pilipinas na simple lamang. Gayunpaman, hindi ko ipagpapalit ang aking nakalakihan. Nawa ay makapunta ka rin doon Divina. Nakakatuwa si ama at ina dahil anuman ang naisin naming magkakapatid ay binibili nila." pahayag naman ni Isabella

Malungkot akong tumungo at hindi ko naiwasan ang sumimangot. Sana ay ganoorin rin ako katulad nila.

"Mabuti pa kayo, samantalang tanging ang mga bukirin lamang ang nakikita ko rito."naiingit kong sabi

Lihim ng KahaponМесто, где живут истории. Откройте их для себя