jιмιn

684 26 5
                                    

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

Malalalim na buntong hininga ang pinakakawalan ko habang nakatuon ang dalawa kong palad sa magkabilang pader ng maliit na espasyong kinalalagyan ko.

Pakshet! Bakit ngayon pa!?

Lalong naningkit ang sadya ko nang singkit na mata nang unti-unti kong maramdaman ang pananakit ng bahaging iyon ng aking katawan kasabay ng malakas na ingay na hinihiling kong walang nakarinig.

"Yah! Tangina brad, basura ata kinain mo kanina!" kasunod noon ay ang pabagsak na pagsara ng pinto sa kabilang cubicle at tunog ng mga papalayong yabag.

I shut my eyes tightly. Kumukulo pa din ang tiyan ko. Nagsitaasan na din lahat ng balahibo ko sa katawan.

Kingina. Bakit kailangan pang sa school ako abutan ng hinayupak na diarrhea na to?

Teka! Here it goes again!!

--

Pawisan akong lumabas sa comfort room. I leaned on the door and licked my lower lip. Pakshet para akong tinakasan ng kaluluwa.

"Yo, hyung! Bakit parang nakipag-marathon ka?" ani Jungkook.

Halos tumaob ako ng tapikin niya ako sa likod. Kingina! Nanlalambot pa tuhod ko!

Masama ko siyang tinignan pero tumawa lang ang gago. Nilampasan ko na lang saka pabalyang itinulak. Paharang-harang sa daan kala mo gwapo.

Dinig ko pa din ang pagtawa ng ugok habang papalayo ako pero hindi ko na pinansin.

Itinutuon ko ang palad ko sa pader habang naglalakad para sa suporta dahil parang tatangayin ako ng hangin dahil sa panlalambot ko.

Pagliko ko sa hallway ay nakasalubong ko ang pinaka mahangin at babaerong tao na nakilala ko sa tanang buhay ko. Agad ngumisi ang gago nang makita akong nanghihina.

Mayabang at pinalilibutan ng hangin siyang naglakad papunta sa 'kin. Shibal! Dapat talaga sa kabilang daan na ako dumaan.

"Brad. Success ba?" nang-uuyam na tanong niya sa akin.

"Ha?"

"Kung success ba pagta-"

"Hanap ka kausap mo." sabi ko saka siya nilampasan.

Puro gago nakakasalubong ko bwiset.

Dumeretso ako papunta sa third floor. Pumunta ako sa gilid ng railings at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang pawis sa mukha. Ang sarap ng hangin dito sa taas. Pero mas masarap ako hehe.

Tumingin ako sa ibaba at hindi na ako nagulat sa nakita ko. Ang bilis ng gagong Taehyung na 'yun. Parang kani-kanina lang nakasalubong ko pa, ngayon nasa ground na at may nilalandi na naman. Hindi lang isa kundi tatlo, puta.

Mukhang nakaramdam ang gago na may nakatingin sa kanya kaya gumala ang paningin hanggang sa tumingala ito at nagtama ang paningin namin. Ngumisi na naman ang abno. Pinagmamalaki ata na madami siyang babae.

Bigla naman humangin dito sa taas. Tangina, abot hanggang dito kahanginan ng gago. Napa-iling na lang ako.

Nag-iwas ako ng tingin. Nakakaasiwa rin eh. Kasabay ng paglingon ko sa gilid ay biglang may umilaw. Camera flash, probably.

"Aish. Sinabing patayin mo ang flash niyang cellphone, 'di ba?" naiiritang sabi nung babae sa katabi niya.

"Mian, Eunbi-ssi..." hinging paumanhin naman ng isang babae.

Habang nagtatalo sila ay marahan akong humakbang paatras.

Hakbang ulit...

Hakbang pa...

Parang slow motion na bumaling sa akin ang dalawa...

One more and...

Takbo!

"Omo. Oppaaa!" rinig kong pagtawag sa akin.

Lumingon ako sa likod at nakita ako ang dalawa na hinahabol na ako. Shibal!

"Jimin Oppa! Saglit lang!"

Hindi pa din ako tumigil sa pagtakbo. Wala na akong pakealam kung basta na lang ako tumaob dahil ramdam ko pa din ang panlalambot ng mga tuhod ko.

Umabot na kami sa second floor pero walanghiya! Wala pa ring tumitigil at sumusuko sa pagtakbo.

Hingal na hingal na ako. Tangina ito na ata katapusan ko.

Lumiko ako sa senior hallway at laking pasasalamat ko nang tumunog ang bell. Hell, yeah!

Mas binilisan ko pa ang takbo. Halos mapunit naman ang labi ko sa pagkakangiti dahil nang lumingon uli ako sa likod ay nakita kong hindi na nakahabol 'yung dalawa dahil sa mga kapwa ko seniors na nag-uunahan sa paglabas sa kani-kanilang classroom.

Binagalan ko na ang pagtakbo hanggang sa komportable na akong naglalakad. Ah, hindi na ganun ka sakit ang tiyan ko pero tangina hihimatayin na ata ako.

"Oppa." muntik na akong mapatalon nang may nagsalita sa gilid ko.

Pagod kong tinignan kung sino man iyon. Hindi ko na uulitin yung kanina puta.

"Ah, not now. Jebalyo." I pleaded. Nilampasan ko na 'yung babae.

Wala naman akong narinig na reklamo. Puwede naman pala silang mapakiusapan. Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa canteen.

Agad naagaw ang pansin ko ng dalawang ugok. Lumapit ako sa table nila na malapit sa bintana.

Hinila ko patayo si Taehyung na gago. Halatang gulat ito pero hindi ko pinansin. Naupo ako sa pwesto niya kanina na malapit sa bintana.

"Tsh. Malala ka na Chim." dinig kong sabi ni gago at naupo sa tabi ko.

Ipinatong ko ang isang pisngi sa lamesa at humarap kung nasaan ang bintana.

"Don't call me Chim, asshole."

Sininghalan lang ako nito imbis na sumagot.

Wala nang nagtangkang magsalita sa aming tatlo. Puros tunog ng plastic kung saan nakalagay ang mga kinakain nila at mga bungisngis na lang sa kabilang lamesa ang naririnig ko.

"Hay, mamamatay na ata ako..." mahinang usal ko.

"Kilala mo si Sir, hyung?" dinig kong tanong ni Jungkook. Nanatili akong nakatingin sa bintana.

"Sinong Sir?"

Tumikhim muna ang isa pang abno sabay sabing, "Sir mo lang?" na sinundan ng tawa nilang dalawa ni Taehyung.

Napairap na lang ako. Tangina ng dalawang 'to.

"Wala sa mood si Jimin. Ubos ang lakas niyan dahil sa diarrhea, eh." Sige, ipaalala mo pa Tae, tangina mo.

"Oy, si Dahyun at Tzuyu!" napa-tunghay ako nang makita ko ang dalawa na lumampas sa bintanang tinitignan ko.

Napangisi ako nang ibaling ko ang tingin sa dalawang abno na biglang tumahimik sa pagkain. Pareho pang namumula ang tenga. Kadiri ang mga gago.

"Yah! Kayong dalawa! Nal gidalyeo!" Wait for me!

Ang boses na 'yon...

Tangina 'wag naman sana. Ayoko nang makita ang pagmumukha ng babaeng 'yon.

Kahit labag sa loob ko ay tumingin ulit ako sa direksiyon ng bintana. Sakto namang may lumagpas na tumatakbong babae. Mabilis man ang pagtakbo nito ay hindi ako nagkakamali kung sino iyon.

Tangina pt. 101!

"Si Jeongyeon 'yon, 'di ba?" ani Jungkook

Oh, shibal!

BASOREXIA. ↻ park jiminWhere stories live. Discover now