jeongyeon

134 11 4
                                    

Bad trip buong araw dahil sa Park Jimin na 'yon. Hindi ko nga alam kung saan ako dapat mainis, iyon bang ni-reject niya ang friendship na inaalok ko tapos ay inungkat niya pa ang ugat ng galit ko sa kaniya, o ang pag-aaksaya ko ng panahon na alamin ang kung anu-anong bagay tungkol sa kaniya! Bakit ba iyon pa ang naisip kong paraan para makipag-ayos?

Lalong kumuyom ang kamao ko. Ano nga bang nakain ko para isiping tanggalin siya sa blacklist ko? Lintek! Muntik pa akong mag ala matchmaker para sa gagong 'yon! Bahala siya, habang buhay na kaming ganito. Hinding hindi ko siya bibigyan nang pagkakataong mabuhay nang payapa hangga't nagkikita kami!

“Unnie, maawa ka naman sa manok.”

Napatingin ako sa hawak kong fried chicken na nagka lasog lasog na.

Bakit hindi na lang leeg ni Jimin ang hawak ko?

Naghugas ako ng kamay saka bumalik sa pagkakaupo.

“Nasaan si Jihyo?” naitanong ko nang mapansing bakante ang upuan sa tabi ko.

“Maagang natulog, may date daw sila bukas ni Daniel bukas,” sagot ni Nayeon.

Mabagal na lang akong napatango. Buti pa ang love life ni Jihyo, mukhang masaya. Mamatay na ata akong single.

“Mina-nee, nakita ko 'yung paglapit sa'yo ni Jimin kanina, ah. Nagbunga na ba agad ang survey ni Jeongyeon-unnie?” Sabi ni Dahyun habang pinupuno ang bibig niya ng pagkain.

Napatingin naman ako kay Mina. Paanong magbubunga e may sa tarantado talaga ang Park Jimin-g yon.

Tumikhim si Mina, “M—May tinanong lang about do'n sa assignment namin sa isang subject,” pulang pula ang mukha nito.

Iba pala talaga ang tama ng isang 'to sa lintek na 'yon.

“Sana all! Kailan kaya lalapit sa'kin si Taehyung?” dreamy-ng sabi ni Dahyun.

I saw Sana shook her head, “Siguro kapag ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo, Dahyun-ah.”

“Sana-nee, meanie!”

Patuloy lang ako sa pagkain habang pinanonood ang pagliligalig ng mga kaibigan ko kahit nakain.

“Totoo naman kasi Dahyun-unnie,” tumawa si Tzuyu, “Sa dinami-rami nang papangarapin mo ay 'yung hari pa ng mga babaero.”

“Lol true. Saka kahit halos lahat ng babae sa Campus pinatulan na ni Taehyung, ikaw lang ata ang walang pag-asa,” gatong pa ni Chaeyoung.

Nakisali na rin si Momo, “Mabait pa si Sana nung sinabi niyang baka patulan ka nun kapag ikaw na lang ang babae sa mundo, pero feeling ko hindi pa rin, e.”

“Why are you ganging up on me?” tumalsik pa ang ilang kanin mula sa bibig ng tokwa.

“Gumaganti lang!” sabay-sabay na sagot ng apat.

Dahyun mumbled things while stuffing her mouth. Mukhang may binabalak ang tokwa.

Tumayo ako, “I'm done. Maglalakad-lakad muna ako sa labas.”

Uminom muna ako saka umakyat sa taas para kumuha ng jacket at scarf.

Nang makalabas ay agad humampas sa mukha ko ang malamig na hangin. Sinara ko ang gate at tumingin sa langit. Napangiti ako. Tama lang na napili kong lumabas, walang kaulap-ulap kaya punong-puno ng bituin sa taas.

“Jeongyeonie!”

Agad nabura ang ngiti ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Bakit ba laging nasa labas rin ang asungot na 'to tuwing lumalabas ako?

BASOREXIA. ↻ park jiminWhere stories live. Discover now