jeongyeon

106 3 2
                                    

-¿

Bambam immediately clung his arm around mine the moment I stepped out of our gate. We're going out, katulad nga ng napag-usapan namin kagabi. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta pero hindi ko mapigilang ma-excite, lalo na't miss ko rin naman 'tong si Kunpimook.

"Good morning, hyung!" masiglang bati nito. Bahagya pa niyang itinabingi ang ulo saka sinipat ako mula ulo hanggang paa. "Ganda mo sa suot mo, ah. Babaeng-babae. Para talaga tayong magde-date."

Ngumuso ako at kunwaring nagtampo, "Magpapalit na ba ako? Nag-dress na nga ako para naman desente akong tignan habang kasama ka."

"Luh, hyung, compliment 'yon! You look really pretty right now, 'di kita tinututya." Agad na depensa nito.

Tumawa ako at hinampas ang likod nito. "Biro lang," tumikhim ako. "Saan ba ang punta natin?"

"Saan pa ba nagpupunta ang mga nagde-date, sa restaurant, sa park, sa mall?"

Umikot ang mga mata ko. "Wala ka pa rin bang nagiging normal na date hanggang ngayon, ha, Bambam?"

Tumigil ito sa paghakbang at eksaheradong bumuntong-hininga. "Wala kasing lumalapit sa'king mga babae, hyung. Masyado raw kasi akong perfect para sa kanila."

I pinched his underarm, napatalon naman ang lalaki. "Puro kayabangan 'yang lumalabas sa bibig mong lintik ka."

"Seryoso 'yon, hyung. Shit naman ang sakit non," reklamo nito habang hinihimas ang kilikili.

Habang naglalakad ay patuloy ang pag-aasaran namin. Just like old times, para lang kaming mag-ate na walang ginawa kundi magbabag kahit saan mapunta. I was very comfortable and relaxed kahit pa napakaingay ng loko. Nung nasa Japan kasi ako, wala man lang akong natawag na kaibigan kong talaga sa loob ng five years. Mababait naman ang mga naging kaklase at roommates ko pero may makapal pa rin laging boundary sa mga pagitan namin.

"Hyung, dito! Bilis bilisan mo naman ang lakad!" Iwinawagayway nito ang kamay duon sa di kalayuan. Ngumuso ako at patakbong lumapit sa kaniya.

"Sure ka na, dito talaga?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko habang nakatingin sa malaking arko na nasa harap namin.

Sunod lang ako nang sunod sa kaniya simula kanina hanggang makarating kami rito sa isang amusement park. Balak ko sanang tumambay lang sa kung saan at kumain na kasama siya pero heto kami, no choice kundi sa lugar kung saan gasgas na gasgas nang dating place.

"Nakakatamad nang mag-isip kung saan kita dadalhin so tutal malapit naman na ito, dito na lang tayo." Hinablot niya ang pulso ko saka hinila papasok. Nagpatangay na lamang ako.

Kung saan saang pasikut-sikot niya akong dinala. Sumakay kami mula sa mga modest na rides hanggang sa pinaka extreme.

"Hyung, doon, dali! May nakita akong hotdog stall!" Imbes na maging date, ang kinalabasan ay para akong nag-aalaga ng 5-year old na bata. Kung hindi niya ako tangay, nakabuntot naman ako.

Nakapamaywang ako habang nakasunod pa rin sa kaniya. I'm still dizzy because of our last ride. Nag-aangat-baba pa ang dibdib ko dahil sa pagod kahihiyaw.

Nakarating kami sa tinutukoy niyang hotdog stall. Mahaba ang pila matapos ay iisa naman ang naroon sa loob ng stall.

"Bambam-ah, humanap na lang tayo ng iba. Ang init-init e sobrang haba pa ng pila," sabi ko habang pinupunasan ang noo.

"Saglit lang, Hyung, ako ang bahala."

Bago pa ako makareklamo ay nawala na siya sa tabi ko, hindi ko alam kung saan nagpunta.

Ako na hindi alam ang gagawin ay naiwan sa pila, nagtitiis sa init ng tirik na tirik na haring araw.

"Hyung, dito!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BASOREXIA. ↻ park jiminWhere stories live. Discover now