jιмιn

144 6 9
                                    

Hindi pa rin ako makatulog. Alas dos na ng umaga pero kahit kaunti ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame. Blangko. Wala naman akong dapat malalim na iniisip pero parang napakalaki ng problema ko.

Madiin kong pinikit ang mga mata ko saka huminga ng malalim.

“That... is thank you for welcoming me back.”

Holy shit!

Napabangon ako at napahawak sa noo ko. Tangina kinilabutan ako ng wala sa oras. Sino bang hindi? Eh nakakakilabot ang mukhang nakita ko. Mukha ng babaeng 'yon!

Umalis ako sa kama at lumabas ng kuwarto saka pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Dahan-dahan lang ang paglalakad ko dahil baka makapang gising pa ako. Nang makainom ay saka lang ako nahimasmasan.

What's wrong with me? Hindi naman ako ganito noon, ah? Dahil lang siguro 'to sa pagod ko. Tama, dahil sa pagod.

¤¤¤

Lutang ako habang naglalakad papuntang school. Wala akong tulog. Hindi na rin ako nag-umagahan dahil makakasabay ko lang ang tatay ko.

Tumingin pa ako kanina sa salamin para tignan kung nagkaroon ako ng eyebags at laking gulat ko nang makita ko na... Ang gwapo ko pa rin. Hustisya naman.

Natigil ako sa paglalakad nang may umakbay sa balikat ko. Kim freakin' Taehyung... was grinning from ear to ear when I looked at him. “You know what, Hyung, masyadong halata na kulang ka sa babae.” naguguluhang ekspresyon ang binigay ko sa kaniya nang lingunin ko siya uli. “Nagkakaroon ka na ng wrinkles, Jimin-hyung.” sabi niya saka tumawa nang tumawa.

“Lumayas ka nga sa paningin ko, baka hindi kita matantsa.” Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa'kin at saka naunang naglakad. Pasimple akong napa-irap at namulsa.

Hihikab-hikab pa ako nang buksan ko ang pinto ng classroom.

I'm about to yawn again when the beast's eyes met mine.

“What?” she mouthed, parang nang-aamok.

Sinara ko na lang ang bibig ko at umirap. Ang angas lagi, lintek. Baka hindi niya alam na siya ang dahilan kung bakit ako hindi nakatulog kagabi? Kung hindi ba naman kasi sinumpa ang mukha niya. Yun yon, e! Yung lintek na mukhang 'yon!

I looked at her eyes once again. Bakit ang tingkad tignan non?

Umiling ako saka tinignan naman ang ilong niya pero lumipat din agad sa labi niya dahil ang perpekto ng pagkatangos ng ilong na yon.

I gulped. Her pinkish lips were slightly opened and it looks fantastic.

Tangina, bakit wala akong malait sa mga features niya!?

“Fuck!” Napatunghay ako dahil sa lakas ng impact ng ballpen na tumama sa noo ko.

“Anong tinitingin-tingin mo, ha?” Sabi niya na parang nanghahamon ng away.

Bumuntong-hininga ako. Pinulot ko ang ballpen na pinangbato niya at pinatong iyon sa desk niya. “Don't go throwing things to someone you're not close with. It's embarrassing to your side.” Sabi ko saka naupo.

Dinadama ko ang noo ko dahil baka may dugo. Maya-maya ay nilingon ko si Yoongi-hyung dahil ramdam ko ang pagtitig niya sa'kin. Kinunutan ko siya ng noo dahil para siyang nakatingin sa taong bibitayin na sa mga susunod na segundo. “Bwo? I didn't do anything wrong. Siya 'tong...” Ibinaling ko ang tingin sa halimaw na babae. “Nangbato ng ballpen s-sa'kin...” I gulped. “At siyempre! Na-appreciate ko 'yon!” Pilit akong tumawa at hinampas pa si Yoongi-hyung sa braso.

“Ang saya ko nga, e. Isipin mo yon? Para akong naka-receive ng blessing kay Lord.” Pasimple kong tinignan ang babae pero nagniningas pa rin ang mga mata nito.

Hinampas ko ang bibig ko at muling tumawa. “Grabe, may sarili atang isip 'tong bunganga ko. Kung anu-anong walang saysay na salita ang lumalabas.” Kunwari pa akong nagulat. “J—Jeongyeon-nim! Hindi ko naman alam na ikaw pala 'yung nambato non. Akala ko kung sino lang. Kung alam ko lang, edi sana ay dumeretso na ako sa simbahan para magpasalamat kay Lord.”

Muli lang akong napalunok nang lalo ata siyang nagalit. “Are you being sarcastic?” Matigas na tanong niya. Kumikibit-kibit pa ang itaas niyang labi.

I know that subtle move. I used to see that every time we met years ago.

Tangina naman Jimin, nasan na yung tapang na ilang taon mong inipon para sa susunod niyong pagkikita?

Parang baha na biglang umagos ang mga memorya ko nuong hindi pa siya pumupuntang Japan. Nagtindindigan lahat ng balahibo ko sa katawan nang bumalik sa'kin kung gaano siya nakakatakot magalit. Siguro ay hindi pa nagre-refresh ang alaala ko kahapon nung muli kaming nagkita pero ngayon ay bumalik na lahat.

I heard everyone gasped when I did the only thing I know to do when she's mad.

Hinila ko ang upuan para walang maging sagabal.

Saka ako pabagsak na lumuhod. “Jeong! Yeon! Nim! Mi! An! Hae! Yo!” Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay hudyat ng pagsuko.

“What is he doing?” Narinig kong pag-aalala ni Mina. I'm aware that she have a crush on me. She confessed a year ago. I'm also aware that what am I doing is embarrassing at alam ko ring agad tong kakalat sa buong campus pero ayos na yon kaysa etong beast lady pa ang tumapos sa buhay ko.

Nakapikit lang ako at hinihintay na hatulan ng kapatawaran. Ramdam ko pa ang panginginig ng mga tuhod ko kahit nakaluhod.

Napaatras ang ulo ko nang may pumitik sa noo ko. Alam kong siya yon. Heto na... Simula na ng torture.

“Open your eyes, pabo.” Agad akong tumalima at nagulat kung gaano kalapit ang mukha niya sa'kin.

Magkadikit ang mga labi niya at halatang nagpipigil ng tawa.

And somehow... It made my heart flutter.

“You're still dumb as ever. Akala ko kahapon nagbago ka na dahil mukhang palaban ka na.” Then she laughed.

Napalunok uli ako at sinapo ang dibdib ko. She's mocking me! Why are you beating so fast!? Pilit kong kinakastigo ang puso ko.

“Stand up, balita ko heartthrob ka na tapos basta ka na lang luluhod diyan.” Natatawa niya pa ring utos sa'kin.

Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya kahit nung makaupo na siya. What's with the sudden pink air? Nakasinghot ba ako ng drugs nang hindi ko alam?

“Dug dug dug dug.” Binaling ang tingin kay Yoongi-hyung nang gayahin niya ang tunog ng pagtibok ng puso.

Bumalik na ako sa upuan ko.

“Dugdugdugdugdugdugdug.”

“Puwede bang tigilan mo yan, hyung?” Frustrated kong pakiusap.

“Ginagaya ko lang ang naririnig ko. Lakas e.” Sabi niya saka nginuso ang kaliwang dibdib ko.

BASOREXIA. ↻ park jiminحيث تعيش القصص. اكتشف الآن