jιмιn

102 6 8
                                    

I was just staring at her as she eats the chocolate bar on her hand. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kaniya simula nang hilahin niya ako papunta sa isang convenient store sa loob ng subdivision matapos niyang mag-sorry.

Hindi naman ako nagalit o nainis sa mga sinabi niya kanina, tanggap ko nang iba ang trato sa'kin ng ama ko. Pero tutal ay iyon ang unang pagkakataon na narinig ko siyang mag-sorry sa'kin ay hinayaan ko na.

Bumuntong hininga ito saka humarap sa'kin. “Ano, uh, sorry talaga.”

Pinatong ko ang baba ko sa likod ng kamay ko at lalo pang tumitig sa kaniya. “Ano bang hinihingi mo ng tawad?”

Nagpunas siya ng gilid ng labi. Imbis mawala ang kung ano mang pinunasan niya roon ay may dumikit pang tsokolate.

“Alam mo naman sigurong galit pa rin ako sa'yo, 'di ba? Pero personal 'yun. Na-guilty lang ako nang kaunti nung i-bring up mo ang pamilya mo. I don't want to be that enemy na pati family mo ay papakealaman ko.”

I couldn't make myself listen to what she was saying because of the smudged chocolate near her lips. I'm being distracted! 'Langya!

Ano bang pakealam ko kung magkatsokolate sa parte niyang iyon? Maghunusdili ka, Park Jimin, maghunusdili ka! Saglit akong pumikit at pilit inalis ang mga weirdong ideya sa isip ko.

“Pero sinasabi ko sa'yo, simula nang tanggihan mo 'yung inalok ko kanina, wala nang makakapagpawala ng galit ko sa'yo. Pero ceasefire muna tayo. Lubos-lubusin mo na ang peace offering ko ngayon.” Sabi niya saka muling ibinaling ang tingin sa labas ng tindahan.

Napalunok ako nang parang mag slow motion ang muli niyang pagkagat sa chocolate bar.

Agad akong nag-iwas ako ng tingin.

“Anong peace offering, e ikaw lang naman 'yang kumakain. Hinila mo lang ata ako dito para panuorin ka.”

“Ang ingay mo,” pabuntong-hininga niyang sabi.

Kumunot ang noo ko at kahit ayaw ay binalik ang tingin sa kaniya. Nalilito kung matatawa ba o maiinis dahil sa sinabi niya. But in the end, I just let out a chuckle. Ano pa bang aasahan ko sa pasensya ng isang Yoo Jeongyeon?

Hindi magiging maganda kung sisirain ko ang kapayapaang namamagitan sa gitna namin ng mga oras na 'yon. Baka madagdagan lang ang sugat ko.

Halos magkasabay ang bawat galaw niya at paglunok ko. Gusto kong iiwas ang tingin sa kaniya katulad kanina pero parang may humihila sa mga mata ko para titigan lang uli siya. Naging mas mahirap ang pag-iwas ng tingin.

There's not a single thing special on what she was doing but I'm totally hooked by it.

May nakakakiliting pakiramdam na parang nagpapahiwatig na kaya ko siyang titigan magdamag kahit kumain lang siya nang kumain ng chocolate bar na 'yon. It's the same weird feeling I felt nung magkalapit ang mukha namin nung nakaraan, noong lumuhod ako sa harap niya.

Hindi naman nagpapatalo ang bilis ng tibok ng organ-g nasa kaliwang dibdib ko. Mas malakas kaysa noon.

She licked her fingertips before looking at me. Lalong nagwala ang puso ko.

“Your face is all red,” she said, unconcerned.

I choked on my own spit. I, then,  cupped my cheeks like a blushing teenage girl. “D—Damn weather.”

“'Di naman ganon kalamig,” nagtaas siya ng kilay. “May sakit ka ba?”

Akmang hahawakan niya ang noo ko nang unahan ko ang galaw niya. Hinila ko pataas ang scarf na nakapalibot sa leeg niya hanggang sa kalahati ng mukha niya.

BASOREXIA. ↻ park jiminWhere stories live. Discover now