jιмιn

103 8 3
                                    

“Jimin-ah!”

Napaigtad ako nang may biglang umakbay sa akin. Nanuot agad sa ilong ko ang panlalaking pabango na dalawang tao lang ang kilala kong gumagamit. Ang isa ay ang walang kwenta kong ama at ang isa ay si Yoo Jeongyeon. Napansin ko iyon simula nang magkalapit kami last week.

I never liked that smell yet it smells great with the beast lady. Nuon lang ako na-attract sa panlalaking pabango.

Umangat ang talampakan ko sa lupa nang kurutin ni Jeongyeon ang bewang ko. “Kanina pa kita kinakausap, hindi ka nakikinig.”

Joesonghaeyo,” inalis ko ang braso niya sa balikat ko at nagmamadaling naglakad. Delikado ang babaeng 'yon. Lalo na sa organ kong nasa kaliwang dibdib.

Hindi pa man ako nakalalayo ay napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa manggas ng polo na suot ko. Sinundan ko ang tingin mula sa kamay hanggang sa mukha ng may-ari nito, nakanguso at nakatingin ito sa akin nang tuwid.

Lalong nagkagulo ang sistema ko at nahirapang huminga. Anong karapatan niyang mag-pout? Anong karapatan niyang magmukhang cute at pagwalain ang puso ko nang ganito!? Anak ng kimchi naman, oh!

“I mean no harm, okay? Our first meeting after 5 years didn't go well at nanggigigil pa rin ako sa iyo sa di ko malamang dahilan so expect na baka medyo... medyo lang naman, saktan pa rin kita o murahin 'pag nakikita kita,”

Wow, talk about battered boyfriend.

Boyfriend!? Ha?

“Pero,”

“Ha?”

“Napag-isipan ko rin na time na siguro para i-settle ang relasyon natin,”

“Ha?”

“Let's be friends officially, ganon. Besides, I'm close with your friends, same goes na close ka sa mga kaibigan ko. Tayo lang naman ang laging nagbabangayan, e.”

Bakit parang kasalanan ko?

“And for peace offering, ilalakad kita kay Mina.”

“Ha?” Bakit ako ang ilalakad, e si Mina ang may gusto sa'kin?

Biglang nagdilim ang mukha niya at hinampas ako sa balikat, “Kanina ka pa ha nang ha, diyan! Gusto mo bang masaktan na naman, lintik ka!”

“Ha—I mean, joesonghaeyo...”

Ano ba naman kasing trip niya at makikipag-kaibigan siya sa'kin? May binabalak ba siyang masama na ikasisira ng buhay ko? At idadamay pa si Mina.

Bigla siyang ngumiti saka hinablot ang pulso ko. Nauuna siyang maglakad pero tuloy pa rin ang pagsatsat niya, “So ayun nga, I did some research about you: I asked my our friends, some of our classmates, and some of your admirers that I usually see in the hallway.”

Pagliko sa pasilyo ay tumuntong siya sa unang hakbang ng hagdan bago humarap sa'kin, “I learned that you only had one girlfriend since you were born, and just like your ex, Kang Seulgi, your ideal type is someone who knows how to dance. Syempre, agad kong tinanong si Mina kung marunong siyang sumayaw and she said yes!”

Napangiwi ako. Mukhang tuwang-tuwa siya sa pinaggagagawa niya sa buhay niya, ah.

“Look, I really appreciate your offer but I'm rejecting it. There's no need for us to be friends.” Inalis ko ang kamay niya sa pulso ko at muli siyang nilagpasan.

“I'm being nice here!” May halong galit sa boses niya.

It's not that I don't really want to be her friend. I can't. Baka himatayin lang ako tuwing kasama siya.

“You're not Jeongyeon if you will stop being mean to me. I remember 5 years ago when you said that I always make your blood boil for no reason but we both know your reason, let's just keep it that way, okay? O baka naman nakakalimutan mo na ang ginawa ko sayo five years ago?” Ngumisi ako at namulsa.

“Just hit or curse me whenever you want, I'm still scared of being hit by you so you will still be satisfied.”

Nang makatalikod ay dumeretso ako ng akyat.

I need to bring out our past nang tumigil siya. Alam ko ang atraso ko sa kaniya. I sighed. It was just supposed to be a prank para makaganti dahil ganon naman talaga ang ginagawa namin noon, gantihan lang. I didn't think of the consequences and she hated me more since then.

Nang makarating sa room at makaupo sa silya ko ay pinalibutan agad ako nina Taehyung, Jin-hyung, at Yoongi-hyung. “Ano, nakausap mo si Jeongyeon? Kayo na ba?”

“Yah, Min Yoongi, anong 'kayo na ba'? Nakakalimutan niyo na bang may pagluhod pa ako sa harap niya dahil sa takot ko sa beast lady na iyon?”

“So? Masama bang maging under?” Sabi naman ni Taehyung. “Hindi masaya ang laging top, Hyung, minsan kailangan mo rin matikman ang sarap ng pagiging bottom. No homo.”

Binatukan ito ni Seokjin-hyung. “Puro kababuyan na naman ang lumalabas sa bibig mong gago ka,” tapos ay bumaling sa'kin, “You can't blame us though. Lahat ata kami ay tinanong ni Jeongyeon-hyung tungkol sa'yo, pati sina Joon doon sa kabilang section kaya akala namin liligawan ka na niya.” Bahagya pa itong natawa.

“Dagdag pa yung sinabi nitong si Yoongi na parang naka megaphone sa lakas 'yang tibok ng puso mo last week.”

Agad kong sinamaan ng tingin ang katabi ko. Talagang nai-kwento niya pa 'yon!?

“Sino ba namang hindi lalakas ang tibok ng puso, malay ko ba kung tapusin na ng beast lady na 'yon ang buhay ko nung oras na yon?” Pagdadahilan ko.

“Oi, speaking of which,” kumaway si Seokjin-hyung. “Jeongyeon-hyung!”

Naramdaman ko namang nasa likod ko na si Jeongyeon.

“Isa pang hyung mo diyan, Seokjin, tatamaan ka sa'kin.”

“Grabe ka naman, hindi mo na nga ako tinatawag na oppa, pinagbabantaan mo pa ako,” tapos ay sa'kin uli tumingin, “Ginalit mo ba?”

Parang ganon na nga. “Hindi, takot ko lang.”

Napansin ko namang pasimpleng umaalis si Taehyung.

“Hoy, saan ang punta mo? Tapos ka nang chumismis?”

“Oo hyung. Balik na 'ko sa upuan ko, ayokong madamay.” Saka sumibat nang takbo sa kabilang side ng classroom.

“Balik na rin ako kay Nayeon—este dun sa pwesto ko. Baka magalit din sa'kin beast lady mo, di ko pa man din forte ang pagluhod.” Sinipa ko ang tuhod niya kaya iika ikang umalis. Galit kay Taehyung sa mga kababuyang sinasabi nito e isa rin naman siya.

Nilingon ko si Yoongi-hyung, “Ikaw, Hyung, wala kang balak umalis?”

“Tarantado ka, dito talaga ako nakaupo.”

“Tarantado ka rin! Nakakagigil na 'yang kachismosohan mo, pati ba naman 'yon ay nai-kwento mo pa?”

“It's worth a gossip, dude. Hindi mo ako masisisi.”

“Can you both shut up!?”

Sabay kaming napalingon sa likod.

“Nahiya pa kayo, duon na kayo magkwentuhan sa harap tutal nasa inyo rin naman ang atensyon ng buong klase. You gossip more than wanton women!”

Napalunok ako. Can I reverse time? Pwede bang tanggapin ko na lang 'yung friendship na inaalok niya?

BASOREXIA. ↻ park jiminWhere stories live. Discover now