jeongyeon

244 16 4
                                    

Puno ng tawanan ang buong van. Buong kuwentuhan nila ay tawa sila nang tawa. Nakakabingi na. Kung alam ko lang kung saan ang school, naglakad na lang sana ako kesa kasama ang pitong ito.

Yea, pito. Dahil bukod sa'min ni Chaeyoung, lahat sila puro maiingay na. Hays.

“Eto pa, eto pa. Naaalala niyo ba nung time na nagconfess si Jeongyeon kay Ji—” natigil sa pagku-kuwento si Nayeon nang sipain ko ang bag na nasa paanan ko.

Heck! Uungkatin na naman niya iyon. That's too embarrassing and disgusting to remember.

“Someone's still affected...” sabi ni Sana na may panunukso sa boses. Sinamaan ko siya ng tingin bago humalukipkip.

Ako? Affected? Hilo ba siya? Bahagya akong natawa. Oo na lang.

“Sinong Ji?” tanong ni Mina, new girl—para sa'kin. Pero two years na siya sa bahay. Mukha naman siyang mabait at mapapagkatiwalaan, kaso masyadong tahimik at hindi malaman ang nasa isip. Well, whatever. If the girls are fine with her, siguradong mabait ito.

Anyways, we're on our way to school. Sabi nila, malapit na raw, pero kanina pa talaga nila sinasabi 'yon.

"Mamaya ituturo ko sayo Minari! Magagalit kasi 'yung isa diyan kapag patuloy pa nating pinag-usapan.” nakangising sabi ni Nayeon.

I titled my head to the right and glared to her before saying, “It's not obvious that you're already talking about it, hm?” turan ko na punong-puno ng sarkasmo.

Nayeon sticked her tongue out. I just hissed at her.

Tumigil ang van sa tapat ng isang malaking gate. Pina-isod ko si Sana na nasa tabi ng pintuan at naunang lumabas. Inayos ko ang backpack ko sa likod at nag-inat. Ang sikip ba naman kasi sa van, siyam kami, hello!

“This is Han University...” sabi ni Momo. Nilingon ko siya at humalukipkip.

“Marunong akong magbasa ng hangul, Momo.” anas ko. Nahihiyang ngumiti ito sa'kin saka nagkibit-balikat. Si Momo ang kasama ko sa kuwarto kaya medyo close ako sa kaniya kahit hindi ganoon kahalata, well, close naman ako sa lahat pero nahihilig lang ako na binabara sila na medyo kinasanay na rin nila.

“Si Dahyun at Tzuyu ang magiging guide mo ngayon, Jeongyeon.” sabi ni Jihyo habang tinuturo ang bawat isa saamin. “Ako at si Chae naman kay Nayeon-unnie, tapos si Sana at Mina na kay Momo.” dagdag pa niya.

“Bakit hindi na lang tayo magsabay-sabay?” takang tanong ni Nayeon, na tama naman.

“Uhh...” tila natigilan naman si Jihyo. “...wala lang, hehe. Lezgo!”

Pagkapasok namin sa University ay naghiwa-hiwalay kami ng daan. Nasa dalawang gilid ko si Tzuyu at Dahyun, Si Tzuyu sa kaliwa at si Dahyun naman sa kabila.

Halos dalawang oras na kami naglilibot. May balak pa ba silang um-attend ng klase?

“Saan tayo pupunta?” tanong ko, pero hindi nila ako pinansin dahil may pinag-uusapan silang hindi naman ako maka-relate. I rolled my eyes nang lumipat si Dahyun ng nilalakaran at tumabi kay Tzuyu sa kaliwa ko. Humina ang pag-uusap nila hanggang sa hindi ko na sila tuluyang narinig. Mga bwisit!

“Yah, saan ba talaga ang punta natin? Ihatid niyo na lang kaya ako sa classroom, puwede ba?” sabay nila akong nilingon saka bumungisngis. Seriously? What's wrong with these two?

Nauna sila ng kaunti sa paglalakad. I still have no clue where are we going.

I heared Dahyun whispering something like, "Hana, Deul, Set..." at bago pa maproseso ng utak ko ang sinabi ng tokwang iyon ay bigla silang tumakbong dalawa.

BASOREXIA. ↻ park jiminWhere stories live. Discover now