CHAPTER 5: Signs

6.4K 271 16
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
♪Wish You Were Gay by Billie Eillish

Chapter 5

Riley's P.O.V

Makalipas ang ilang araw after sa tanong ni Reymark, hindi na ako ginagambala nito at saka nagkaroon kami ng seating arrangements kaya napalayo siya sa akin.

Napalayo sa akin, talaga?

Kumbaga hinahanap ko sa kaniya yung pangaasar niya sa akin, 'di ako sanay. Parang na-absorb ko na nga eh. Ano bang ginawa niya sa aking sistema?

Kapag inoobserbahan ko siya sa upuan niya, naka-focus lang ito sa ine-explain ng mga subject teachers namin.

Masyado siyang tahimik at naging seryoso sa pag-aaral.

May mood swing siguro 'to.

Hindi na ako sanay dahil hindi niya ako kinukulit, pumasok na siya sa sistema ko at nami-miss ko ang pangungulit niya sa akin.

On the other hand, okay na rin siguro ang ganito para hindi lang pangungulit dito sa loob ng school ang aatupagin niya, nagsusulat kami ngayon sa MAPEH dahil nagche-check ang guro namin ng notebooks, pft! Elementary lang ampeg.

"Ok, attention! Medyo messed up ang schedule natin ngayong year so naghahabol tayo, the Intramurals will be next week." Pagkasabi pa lang ni ma'am biglang nag-ingay ang room, talking about booths, game events at cheerleading competition.

Sumali ako ng Lawn Tennis pati si Wilma sumali, so mix kami at magsi-single kami, ganun naman kapag lawn tennis. Habang si Xtine naman ay sasali sa cheerleading at volleyball.

"As a cream section, i want you to create a booth, and everyone must cooperate, MAPEH class officers, please have meeting now with the remaining minutes. May points ito sa performance tasks niyo." sabi ni ng subject teacher namin at yun nagsikumpulan na ang mga MAPEH class officers at kami naman at nagdadaldalan.

"Iiiieeeehhh, eggzoited na ako next week!!!" Exaggerated na sabi ni Wilma

"Oo nga! Walang klase." Ani Xtine

"Edi hindi ka na lang sana nag-aral..." Barag naman nito sa kaniya.

"Pumili din pala kayo ng representative niyo para sa Mr. & Ms. Intramurals." Doon na nagsimula ang mas malakas pa na ingay.

"Uy, sino guys?"

"Si Dave!" sigaw ng karamihan sa amin.

Gwapo naman si Dave at Ifugao siya, mas matangkad siya sa akin, okay na rin at saka matalino naman yan.

"Si Reymark!" sabi naman ng iba.

"Ayoko..." Pagsusungit nito, ang cold naman nito. Hindi naman pinipilit eh.

"Ayaw niya daw guys..." Maraming nalungkot sa sinabi niya, angat talaga kapag si Reymark kasi nga guwapo siya.

It's not a compliment.

"Kaya si Dave na lang." At yun na ang final decision.

Actually cute si Dave, ang lalong nagpapadagdag sa cuteness niya is yung eyeglass niya na pang-Harry Potter, may braces pa siya, ewan ko ba minsan ayaw nilang lapitan itong si Dave

Mahiyain ito, mas mahinhin pa sa akin, nasa pinakadulo sa harapan, nagbabasa ng makakapal na libro mapa-anong subjects man, haha Bookworm lang.

There's that one time na may lumapit sa kaniya at nakikipagusap, nauutal-utal pa siya, mas kabado pa sa babae.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon