CHAPTER 17: Tragedy

3.7K 178 15
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
♪No Time To Die by Billie Eillish♪

Chapter 17

Riley's P.O.V

Sumasakit ang dibdib ko sa pagpigil ko sa aking iyak, para hindi mapansin ng iba, pasensiya hindi ko talaga na kaya eh.

Pakiramdam ko ang isolated ng paligid ko ngayon, bakit kasi hindi pa matapos yang competition ng mga kaibigan ko. Para may karamay naman ako kahit papaano.

Bumalik ako sa room upang kunin ang gamit ko, nandoon ang mga kaibigan ni Reymark. Yumuko lang ako at mabilisang kinuha ang mga gamit.

"Hoy! Saan ka pupunta?"

"Sa impiyerno, sama ka?"

"Ayoko nga, mainit kaya dun." Wala talaga ako sa mood makipag asaran sa buwisit at baka sa kaniya ko pa maibuhos galit ko.

"Share mo lang?"

"Nang iinis ka? Sabihin mo lang." Pikon na sabi nito.

"Whoo! pikon si Alex." Napalingon naman ako sa kanila, pansin din nila na maga ang mata ko sa kakaiyak kanina. Mabilisan ko silang nilapitan at tinitigan ng mariin si Alex.

"Diba dapat ako ang magtanong niyan? Ano ba ginawa ko sa inyo? Yan ba ang sadya niyo dito kaya kayo lumipat? Spreading stupidity and nonsensical things?"

"Aba't gago ka ha?! " Lalapat na sana ang kamao niya ng mabilisan ko itong naiwasan at sabat suntok sa ilong nito, dumugo ang ilong at napatumba, tinitiis ang sakit. Serves you right you f*cking *sshole.

"Wag niyo akong hinahamon, kahit bakla ako kaya kong iparanas ang impyerno sa inyo."

"Humanda ka sa aking bakla ka!" Sigaw nito na ikinalingon ng ibang mga estudyante.

Lumisan na ako pero aksidente kong nabangga si Reymark, hindi ko ito tinignan, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. I just wanna go somewhere to calm myself. Mukhang talunan, naagawan ng kendi at haggard ng mukha ko. Lahat na pwede nang sabihin. Tumulo na naman ang mga luha ko.

Sa park na lang muna siguro ako tutal lagi naman ako dati doon. I just want to be alone, gusto kong mahismasmasan muna, I'm just so really tired, lahat na.

Reymark's P.O.V

"Ahh sh*t..." Biglang daing ni Julian while i was daydreaming or rather having a inner drama.

"What happened?"

"Sinuntok ni bakla..." I immediately turned to him when he said that, i never thought that my friends are insulting and homophobic.

"Riley pangalan niya, hindi 'bakla'"

"Okay, sinuntok ni 'Riley' yung ilong ni Julian, eto dinugo haha..." Sabay turo kay Julian.

Tama si Riley, ni maipakilala sa barkada ko hindi ko man lang magawa, i'm a coward.

I was again became silent, nakakapanghinayang lang.

"Ayos ka lang?"

"Oh Y-Yes, just a little bit tired today...absent muna siguro ako, see you next time."

Nilisan ko muna sila at dumiretso sa lugar na pinuntahan namin ni Riley dati, my usual tambayan. I punched my steering wheel really hard as my tear came down, nahihirapan na si Riley because of me.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon