CHAPTER 12: A Friend

3.9K 193 10
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
♪You've Got A Friend In Me by Cavetown

Chapter 12

Riley's P.O.V

Nanliligaw pa lang pero mukhang naghahanap na kaagad, ano 'to? Nagsawa agad? Put* malapit-lapit ko na ngang sagutin saka pa siya magiging ganiyan. Halos maiyak na ako pero hindi ko hahayaang pumatak ang luha ko para sa kaniya.

Pasensiya na kayo mga readers, mahal ko na ata kasi eh.

Hindi ko siya pinansin magdamag baka ganun din siya dahil sa bagong yaya...ay este babae niya. Bakit dito pa kasi siya sa section ko, mahirap iwasan yang taong 'yan, magkatabi pa.

Itinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa nagtuturo kahit na medyo lutang ako at hindi ko maaalis sa isip ko kung papatigilin ko na ba siya sa panliligaw or what, tutal dun na mapupunta ang atensiyon niya sa bago niya. Iniiwasan ko talagang wag tumingin siya direksiyon nila.

Ang ganda niya talaga at 'di ko alam kung bakit napadpad 'yan dito sa public school. Hindi ko naman sinasabing pangit mga nasa public school, its just that mukhang mamahalin kasi talaga siya, you know what i mean.

Wala akong masyadong kausap dito sa room, may practice pa kasi sila Wilma at Xtine. Tumunog na ang bell na kinakalawang para sa lunch break. Gutom na ako, balak ko sana kumain sa Jollibee. Pasensiya na kayo, favorite ko eh.

Nasa labas na ako ng room nang biglang may tumawag sa akin, naiinis ako sa boses niya ngayon. Ano bang sasabihin ng damuhong ito, baka ipapakilala niya sa akin yung 'new' na nililigawan niya. Hindi na lang ako nagpaapekto kaya nilingon ko siya with my normal face lang.

"Sabay na tayo."

"Hindi ako kakain." Pagtanggi ko rito, siyempre kailangan hindi pahalata sa expression.

"Huh? Eh parang hindi ka nga nag meryenda kanina eh."

"Oh? And?" Tinaasan lang ako ng kilay. Tinitigan lang ako nito ng ilang segundo.

"Teka, may problema ba?"

"Problema? Ano sana problema? Naprapraning ka ata." Napabuntong hininga lang ito saka hinawakan ang aking kamay.

"Come on, sabihin mo na..."

"Wala ng-..." Ngunit naputol ang aking sasabihin.

"Mark!" Napalingon naman kami sa likuran niya, tumatakbo papunta sa direksiyon namin, nang makarating yumakap ito sa likuran niya and 'Mark'? Iniinis ata ako ng babaeng ito. Hindi man lang ako napansin. Palingki-lingkis pa sa braso ni Reymark.

"Lunch na tayo, i'm hungry na eh." Napkaarte naman naman ng 'I'm hungry na eh' pwe!

"Mauna na ako." Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako nitong babaeng ito, she is LITERALLY annoying.

"Oh, i'm sorry, i didn't mean to be rude, i'm Christie by the way and you are?"

"Riley."

"Iniistorbo ka ba ni Mark? Ikaw talaga, nang aasar ka na naman ng school mate mo." Sabi nito habang pinipingot ng bahagya ang ilong ni Reymark tsk! Hate ko yung accent niya lalo na sa letter 'R' niya. Subukan niya lang banggitin name ko paduduguin ko nguso nito, i'm just a schoolmate.

Patingin-tingin naman si Reymark. Bakit hindi niya sabihin kay Christie na may something kami? Nahihiya na siya ngayon ganun?

"Don't worry, Reymark is really kind that's why i really love him." Parang tinamaan ako ng kidlat sa sinabi niya, all this time i'm living in a dream, nightmare rather.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon