CHAPTER 19: The Comeback

4K 202 13
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
I Miss The Misery by Halestorm

Chapter 19

Riley's P.O.V

Parang nabalutan ng semento ang aking katawan, literal na may semento nga ang aking mga binti at isang kamay, hindi ko man lang maigalaw pwera lang sa isang kamay ko. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang ginawa nilang kademonyohan sa akin, minsan nagigising ako bigla dahil napapaniginipan ko ito na dahilan na mabigla ang aking katawan.

Ipinaliwanag din ng doktor ang mga observation nila sa akin, medyo natagalan daw bago ako nagkamalay, dahil sa multiple fractures at extreme loss of blood. May parte na kumikirot ang katawan ko.

Napapadalas din ang pag-iyak ko dahil nagiging pabigat na ako sa mga magulang ko. Laking pasasalamat ko na nandiyan pa rin si Christine at Wilma, isinuko nila ang laro nila para sa akin at sa mga magulang ko na kahit nahihirapan ay nandiyan pa rin.

Yung pakiramdam na parang bumubukas ang mga sugat ko at napupunit ang akin bunganga. Tanging ungol at halinghing lang ang aking nagagawa, naawa ako kina mama at papa dahil hindi nila malaman ang aking nais sabihin, nahihirapan akong panoorin sila na pinagsisilbihan nila ako. Nakahilata ako, sila problemado sa bill ng hospital.

Pero binayaran na in advance ni Axel ang mga bills sa hospital, nakakahiya man at kahit anong tanggi ko sa kaniya ay wala na akong magagawa, pati magulang ko ay tutol ngunit wala kaming nagawa kundi ang magpasalamat ng marami sa kaniya.

Marami pa rin pala sila na may pake sa akin.

Galit ang aking nasa isip.

Walang akong ibig nararamdaman ngayon kundi galit.

Galit ako sa kanila, ipaparanas ko sakanila ang impyerno, masahol pa kesa sa ginawa nila sa akin. Gusto ko din maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon.

I just need to be patient and heal completely.

Third Person's P.O.V

Ang hindi alam ng mga magulang ni Riley at doktor na palihim na nilalagyan niya ng gamot ang kaniyang mga maliliit na sugat kaya naman ay mangha ang doktor na mabilis gumaling ang mga sugat niya. Kapag nalaman nila ginagawa ay magagalit sila kaya patago na lang.

Masaya naman ang kaniyang mga magulang sa sinabi ng doktor. Pero hindi pa magaling ang mga bali nito.

Nakatunganga parati si Riley sa ceiling minsan sa bintana na puro halaman lang ang nakikita. Napapangiti ng palihim, dahil sa mga plano niya kapag nakalabas na siya ng boring na lugar na iyon.

"Ma, gusto ko na umuwi."

"Hindi pa puwede anak, hindi ka pa magaling."

"Magaling na mga sugat ko, sa bahay na lang ako magpapagaling, mabilis naman akong gumaling eh sabi ng doktor."

"Riley, may mga bali ka pa." Suway nito sa kaniya dahil sa kakulitan nito.

"Ma(*sob) ayaw ko na dito(*sob) pagbigyan niyo na ako ma." Biglang naman naawa ang nanay ni Riley sa turan ng anak.

"Para sa ikakapanatag ng loob mo, kakausapin ko ang doktor."

Umalis ang kaniyang ina upang kausapin ang doktor, halos kalahating oras bago bumalik ang ina ni Riley. Mukhang may good news.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon