CHAPTER 6: Change

6.1K 264 5
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
Kissin' U by Miranda Cosgrove♪

Chapter 6

Riley's P.O.V

Kasalukuyang kaming nandito ngayon sa loob ng CR dahil inaayusan ko si Dave. Kahit na hindi ako magaling sa pag-aayos ay ginawa ko lahat para hindi malait si Dave, hindi naman sa sinasabi kong panget siya pero physical appearance kasi ang dahilan kung bakit nawawalan siya ng confidence sa sarili, kulang nalang ay ikulong niya sarili niya sa loob ng kahon. Motivation is not always the key.

Hindi natin maikakaila na isang factor ang itsura o physical appearance sa panglalait ng iba.

Kinilatis ko muna ang itsura nito bago ko iniharap sa salamin. Ang macho niya sa long sleeve na suot niya at nilagyan ko na rin ng wax yung buhok niya na nakatayo ng bahagya.

"Open your eyes." Unti-unti naman ang pagbukas nito ng kaniyang mata, nang matitigan niya ang kaniyang sarili ay natawa ako ng bahagya dahil sa cute na reactions niya.

"Ako ba talaga to?" Habang inahawakan ang kaniya mukha.

"Yes, be confident from now on."sabi ko sabay tap sa balikat niya. Ngumiti naman ito sa salamin at pansin din ang mapuputi nitong ngipin

Tumayo ito bigla at gulat ako ng bahagya sa pagyakap niya sa akin,this is the first time some guy hugged me.

"Thank you."

"In return you have to win this...okay?"

"O-Okay..." Lumabas na kami sa CR pagkatapos. Malapit na kaming makalabas ng biglang harangin siya ng isang kaklase namin.

"Dave? Ikaw yan?"

"Pa-picture naman!" Inakbayan niya ang babae at nakipag-selfie sa kaniya. Can't wait to see what will happen next because of his transformation.

Simpleng transformation pa lang may nakapansin agad sa kaniya, how much more kung sa contest na.

"Hm...ang pogi pogi mo na!" sabi ng kaklase namin sabay pisil ng pisngi nito.

"O sige, punta na kami baka mahuli pa kami sa practice, tara na Dave." Tawag ko dito.

"Tara." Hinawakan niya ang  kamay ko, medyo nailang ako sa ginawa niya. Sa di inaasahang pagkakataon nasalubong ko si Reymark sa corridor.

Natigilan kami at 'di naiwasang magkatitigan sa mga mata, napatingin naman siya sa kamay namin magkahawak. Hindi matimpla kung ano ang reaksiyon niya ngayon, may halong galit at inis.

Umiwas na lang ito ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Close kayo ni Reymark?" Biglang tanong ni Dave sa akin.

"Hindi, hindi ko nga kinakausap." Nakarating na nga kami sa practice at mukhang hinahanap na siya ng instructor. Nahuli nga kami sa practice.

"Asan na si No. 6?"

"S-sir, andito po ako!" Saka umakyat ng stage, natatawa ako sa mga reaksiyon nila ngayon, reaksiyon na gulat, hindi makapaniwala at yung iba naman ay nagsisimula nang makipag-flirt sa kaniya at nagpapa-cute.

Reymark's P.O.V

"Hindi, hindi ko nga kinakausap." Sambit nito, napangiti na lang ako ng mapait,kung hindi mo lang ginulo isip ko baka ipina-ambush na kita sa gang ko sa dating school ko.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon