CHAPTER 7 🌵

11.3K 241 2
                                    

Chapter 7

Nagising si Blue at ang unang nasilayan niya ang nakapikit na mukha ni Loaisa. Napakagandang pagsalubong sa umaga, ganito din siya dati pagkatapos ng shift niya babantayan naman niya si Loaisa sa ospital at natutulog sa tabi ng asawa

"I love you" Wala sa sariling wika ni Blue at hinalikan niya si Loaisa sa noo. Mula noon hanggang ngayon mahal na mahal niya si Loaisa, naaalala niya pa ang una nilang pagkikita. Di pa siya intern, pumunta siya sa ospital dahil pinatawag at si Loaisa ang pasyente ng kanyang ama.

Kalbo, payat na payat, maputla, medyo nakaluwa ang mata, malaki ang eyebags ngunit napatulala siya ng ngumiti ito sa kanya. Napakaganda niya kung ngumiti, kahit na ganoon ang kalagayan niya kung ngumiti siya ay walang problema.

"H-ello" medyo paos at namamalat ang boses ni Loaisa. Nginitian niya lang si Loaisa at kinasuap ang ama. Hindi niya namalayan na lagi siyang pumupunta sa ospital para lang makita si Loaisa. Hindi naman ito kagandahan dahil sa kanyang kalagayan pero iba ang epekto sa kanya ng dalaga.

"Gusto kita" hanggang sa "mahal kita" ngunit nagtapos sa "ayoko na"

Mabilis ang panahon at namalayan na lang ni Blue na nagpapakalango siya sa alak habang inaalala niya ang pakikipaghiwalay kay Loaisa pero kasal naman na sila kaya wala naman ng takas si Loaisa sa kanya.

"Ngayon nasa tabi na ulit kita at hindi ka na makakawala pa" Bulong niya at niyakap niya si Loaisa at gumanti nang yakap ang dalaga. Kung hindi lang tulog si Loaisa ay baka gusto talaga nito ang yakap niya ngunit baka naman napagkamalan lang siyang unan.

Napatulala siya nang makita niya si Loaisa na nagising at nangunot ang noo dahil magkayakap sila, natural lang naman iyon dahil mag-asawa naman sila

"Ang sarap ng muscle ko sa umaga ano?" pangangasar niya, agad namang binitiwan ni Loaisa ang kanyang katawan at nmumula pa ito.

"H-hindi 'no" Gusto niyang matawa dahil nagkakanda utal-utal pa si Loaisa.

"Sus kaya pala kung todo yakap ka sakin kanina"

"Talaga?" hindi na niya mapigilan ang tawa niya. Si Loaisa naman ay tumalikod lang at ibinaon ang mukha sa unan.

"Naiinis ka na niyan? Tara nga rito't pahalik" Ganoon kasi si Loaisa pag naiinis, sinusub-sob ang mukha sa unan o kaya sa dib-dib niya noon.

Hinalikan niya ang batok ni loaisa na nakalabas kaya naman napatihaya ang dalaga.

"Huwag" Alam niyang malakas ang kiliti ni Loaisa sa leeg at batok.

"Good morning" Mabilis sa alas kuwatro ang paghalik ni Blue sa labi ni Loaisa at bumangon.

"Magbihis ka diyan at aalis tayo pupunta tayo sa ospital." Napatango naman si Loaisa at tumayo na sa kama. Si Blue ay nagbihis at naligo na  bumaba na siya para magbasa ng diyaryo habang umiinom ng kape samantalang si Loaisa naman ay mag-aayos pa lang.

"Buti talaga at madre ang kinuha mo hindi na ako mahihirapang magsuway sa susuotin mo" Nakasuot siya ng puting damit na pang madre, alangan namang magsuot siya na labas ang cleavge eh madre nga siya.

"Ano?" Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Blue, pangkaraniwan naman talaga ang suot niya para sa isang madre.

"Wala, Lets eat" Para namang sasabog ang dibdib ni Blue, sobra siyang kinakabahan.

"Tara na" Ngunit hindi naman gumalaw si Blye sa kanyang upuan. Nilapitan niya ito at nakita niyang nakabusangot si Blue.

"Tara na kako, diba aalis tayo." Malumanay lang ang pagkakasabi niya nagulat naman siya dahil mabilis na hinalikan ni Blue ang kanyang labi.

"Okay, tara na. Dapat laging may good morning kiss." Para naman siyang natuod at hindi makagalaw samantalang si Blue ay masayang naglakad. Huminto si Blue dahil hindi niya  naramdaman ang pagkilos ni Loaisa kaya naman tiningnan niya ang asawa.

"Tara na" Parang mapupunit ang labi ni Blue sa pagngiti at kumain ng asukal sa sobrang tamis.

"Gusto mo ba ulit ng kiss?" Bigla namang bumalik sa katinuan si Loaisa ng marinig niya ang tanong ni Blue.

"Hindi, ayoko. Bakit mo ginawa iyon? Bawal 'yon, sabi ko naman sa'yo na magmamadre—"

"I don't fucking care if you will be a Nun or not Loaisa, just a flick of my hand and I'm gonna pop your cherry right away... Don't try my patience my sexylicious baby" Para namang binuhusan siya ng malamig na tubig.

"Now, lets go or lets do the popping of your cherry?" Dali-dali namang lumapit si Loaisa kay Blue.

"Lets go to your hospital Mr. Jones" Sobrang pormal ng boses niya at binigyang diin ang Mr. Jones.

"Okay Mrs. Jones" Ano bang akala ni Blue? na nakikipag laro siya? Alin ba sa salitang mag mamadre siya ang hindi niya maintindihan?

Pagdating sa sasakyan namutawi ang katahimikan. Magkatabi sila sa passenger seats, bakit siya kinakabahan at paulit-ulit na naririnig ang Mrs. Jones? Masyado lang siguro siyang nabigla sa mga sinasabi ni Blue.

"Dito na po sir" Lumabas sila at pumunta sa loob ng ospital, pagpasok pa lang ay sinuot na ni Blue ang puting damit na pang doktor, para siyang isang anghel at bagay na bagay sa kanya ang kasuotan niya. Lahat ng nurse na babae ay napaptingin sa kanya at hindi napapansin na may kasama siya.

"Maam, this elevator is for president only. You may occu

"She's my wife" Napaurong ang lahat sa sinabi ni Blue at umakbay pa siya kay Loaisa. May ibang tao na kung tumingin ay kakaiba.

"Pwede bang mag asawa ang madre?" Hindi nakatakas sa tainga ni Loaisa ang sinabi ng isang babae.

"Don't mind them" Napayuko lang si Loaisa, medyo may kirot sa kalooban niya dahil sa sinabi nila.

"Bakit mo sinabing asawa mo 'ko? Hindi naman kasi totoo ang sinabi mo, pwede mo naman kasi akong hayaang sumakay sa kabilang elevator. Ayos lang naman." Naramdaman niya ang pagpiga ni Blue sa balikat niya at nakita ni Loaisa ang pagkunot ng noo ni Blue.

"Asawa nga kasi kita. Gusto mo bang magfile ng CENOMAR para patunayan ko?" seryoso si Blue, alam naman niya na ang dalawang pinauwi sa Pilipinas ay hindi na makakabalik dahil may tao siya sa loob ng paaralan nila Loaisa sa Vatican.

"Okay, don't pull some strings Blue. Nakasalalay dito ang kinabukasan at pangarap ko" Napangiti si Blue nang matagumpay. Hindi pa nga nag-uumpisa panalo na siya agad.

"Okay, promise me that if we're married. I will get my PRIZE... Popping your cherry will do." Halos kilabutan naman siya sa sinabi ni Blue.

"Pagnanalo ako, tigilan mo na 'ko." Nakita ni Loaisa ang pagkabigla sa mukha ni Blue, gan'on na lang ba ang pagkaayaw sa akin ni Loaisa?

"Fine"

"Hanggat wala pang resulta, keep distance" Gusto namang maubo ni Blue. Okay lang 'yan, mananalo naman siya at nasisiguro niya iyon.

"Okay"

"Deal" Ang kanyang kamay ay nakalahad kay Blue na para bang makikipagclose ng deal sa isang businessman.

"DEAL"

Nakalutang lang ang kamay niya samantalang nanlaki ang mata niya dahil sa paghalik ni Blue sa kanyang labi. Nakita niya ang pagkindat nito samantalang siya ay pakurap-kurap.

"That's how I close our Deal"

Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon