CHAPTER 12 🌵

9.6K 236 10
                                    

Chapter 12

Mabilis na napalingon si Blue kay Loaisa.

' tama ba ang pagkakarinig ko? '

" A- ano? "

Hindi makapaniwala si Blue sa kanyang narinig.

" Wala, magluluto na 'ko. "

Bigla namang tinablan ng hiya si Loaisa kaya agad siyang tumayo at lumayo kay Blue.

" Ano nga kasi! Di ko narinig. "

Naglakad papalayo si Loaisa at pumunta sa kusina. Samantalang si Blue naman ay parang asong nakabuntot sa kanya.

" Tangina naman! Napakagago. Ano nga kasi "

Umaatake na maman ang bibig ni Blue, hindi niya kayang pigilan ang sarili sa pagmumura kaya agad na lumingon si Loaisa habang kumukuha ng mga pangangailangan sa kanyang lulutuin.

" Blue "

" Sorry na. Kasi naman, ano nga kasi 'yon "

Para namang bata si Blue kung umasta kaya  hindi na napigilan ni Loaisa ang sarili at kinurot ang pisngi ni Blue.

" Ang sabi ko... "

Huminto sa pagsasalita si Loaisa at tinitigan ang mga mata ni Blue, hindi niya napigilang mapaluha. Marahang pinunasan iyon ni Blue.

" Mahal kita "

Isang matamis na halik ang kanyang ibinigay at walang gumalaw sa kanilang dalawa. Ang mga labi nila'y nagdikit at para bang naghalikan sila sa harap ng simbahan. Nang sila'y magbitaw ay nagtinginan sila hanggang sa niyakap siya ni Blue.

Pagkatapos ng maraming taong paghihintay....

Mga gabing walang tulog kakaisip sa kalagayan ni Loaisa....

Mga panakaw na sulyap....

Natapos din ang lahat.

' sawakas '

Isang katagang nasa isipan ni Blue.

" Umiiyak ka? "

Naramdaman na lang ni Loaisa na basa na ang kanyang balikat. Hindi niya maiwasang magtanong kay Blue. Umiling si Blue sa tanong ni Loaisa. Tinanggal ni Loaisa ang pagkakayakap ni Blue sa kanya at agad na pinunasan ang mukha ni Blue.

" Blue—

" Gusto ko sexylicious baby "

Gustong matawa ni Loaisa sa pamumutol sa kanya ni Blue, kinagat niya ang kanyang labi.

" Sexylicious baby "

Para namang isang musika kay Blue ang kanyang narinig. Ang kanyang luha ay mas lalong umagos.

" Napaka iyakin mo, tahan na okay. Para namang bata "

Hindi alam ni Loaisa kung paano ang gagawin kaya naman hindi niya mapigilang suwayin si Blue.

" Ano ba naman yan, panira ka ng mood. Nagpapalambing lang eh. Dapat niyakap mo 'ko, hahalikan, at gagawing baby. Pshh "

Wala sa sariling nagdabog si Blue. Napangiti si Loaisa, hindi pa rin nagbabago ang Blue na minahal niya noon at ang taong nasa harapan niya.

" Blue "

Liningon siya ni Blue, agad naman niyang sinenyasan si Blue na lumapit sa kanya at bahagyang yumuko ang binata dahil mukhang may sasabihing importante si Loaisa.

Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon