CHAPTER 30 🌵

8.9K 213 27
                                    

Author's Note:

Next chapter will be epilogue!.

Love lots.

-En

***********

Nagising si Blue sa isang kuwarto at nakaantabay sa kanya ang isang nars. Hindi agad siya umupo, saglit siyang nagpahinga, nang alam niyang kaya na niyang tumayo ay agad siyang tumayo at dumiretso sa kuwarto ni Loaisa. Doon ay nakita niya ang asawa na nakahiga sa kama at may isang nurse na nagbabantay.

" She's alive. "

" Yes Dr. Jones but she is in comatose. "

Lumuwag ang dibdib niya sa sinabi ng nurse.

" What? I thought she was dead. "

" After Dr. Vien announced her time of death her heart beats gradually rising and we found you lying on the floor. "

" Thanks God! "

Madali niyang hinawakan ang mukha ng asawa.

" Kahit anong mangyari wag kang bibitaw. Kailangan ka pa nina Lian at Sian.... Kailangan kita. "

Pinunasan ni Blue ang pumatak na luha sa kanyang mata at hinawakan ng mariin ang kamay ni Loaisa.

" Kapit lang, walang susuko. "

Tumingin siya sa gilid at wala na roon ang nurse na nakausap niya. Hindi na niya hinanap ang nurse at taimtim na tumingin sa kanyang asawa.

" Dr. Jones what are you doing? "

Nagtataka ang nars dahil nakatulala si Blue. Mapait na ngumiti si Blue  sa nars at umiling.

" I'm looking at my wife. "

Nagtaka si Blue dahil iba ang tingin sa kanya ng nars, hindi na lang niya pinansin ang nurse  at hinawakan ang kamay ng asawa niya.

Tumunog ang cellphone niya, nakita niya si U na tumatawag... Sakto, kailangan niyang bumalik sa bahay upang kumuha ng mga damit.

" Nabalitaan ko nangyari kay Loaisa. "

Naunang nagsalita si U at si Blue naman ay suminghot dahil umiyak siya kanina.

" Oo pre. Sunduin mo ako dito sa Center, didiretso ako sa bahay para kumuha ng mga gamit. Babantayan ko si Loaisa. "

" Ahh ganun ba? Sige. "

" Tawagan mo ko pag nasa Center ka na. "

" Sige. "

Nang mawala ang linya nilang dalawa ni U ay hinawakan niya ang buhok ni Loaisa.

" Matulog ka lang, magpahinga ka muna. Maghihintay ako kung kelan ka magigising. Maghihintay ako hanggang sa dulo. "

Hinalikan niya ang noo ng asawa tiyaka umalis at pumunta sa opisina niya. Inasikaso niya ang kaniyang opisina. Hindi siya nakikisali sa quarters ng mga nurse at mga doktor dahil may sariki siyang tulugan sa loob ng opisina niya. Nilinis niya ang buong opisina at nakita niya ang isang lumang larawan. Larawan na itinago niya sa maliit na kabinet ng lamesa. Larawan nilang dalawa ni Loaisa noon. Noong panahong nars siya at isa sa mta pasyente si Loaisa. Nakangiti si Loaisa at hawak ang bulaklak na ibinigay niya.

Pagtingin niya sa likod ay may nakasulat, sulat kamay ni Loaisa.

' Let us treasure every moment that we will have until we both reach our own finish line.'

Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon