CHAPTER 29 🌵

7.7K 209 20
                                    

Author's Note.

Enjoy Reading!

GUYS! AFTER YOU READ THIS LISTEN TO THE SONG IN THE MULTIMEDIA ABOVE.

***********

" SIAN, LIAN! " Agad na hinalikan ni Blue ang mga anak niya.

" Salamat manang ako na po bahala sa kambal. "

Sina Sian at Lian ay dalawang taon na kung kaya't nakakapaglakad na silang dalawa. Dalawang taon na rin simula nang magbago ang lahat, ngayon ay may dahilan na siyang muli upang ipagpatuloy ang kanyang buhay... Hindi katulad noon na nakapako sa isang pangakong hindi naman nagkatotoo.

" Dada! "

Sabi ni Sian at lumakad papunta kay Blue na nakaupo sa gilid ng sofa.

" Da... Da "

Ginaya naman ni Lian ang kapatid niya. Niyakao niya si Sian kaya naman sabay silang natumba. Unang umiyak si Sian kaya si Blue ay nagmadaling kumapit at buhatin si Sian ngunit umiyak si Lian kaya sabay niyang binuhat ang dalawa.

" Superman! "

Tumakbo paikot sa kuwarto si Blue, at ang kambal naman ay napahagikgik. Huminto sa paglalaro sa kanyang mga anak si Blue upang sagutin ang kanyang cellphone.

" Hello, King. "

" Papunta kami diyan, kasama namin si Xavier. "

" Ahh, sige. Yung regalo ng inaanak mo? Amen ka ah! Tagal-tagal na nagdaan ng pasko ni-ha ni-ho wala kang paramdam. Kups ka! "

Gusto man magmura ni Blue ngunit nasa harapan siya ng kanyang mga anak.

" Dada kups! "

Napatingin siya kay Sian.

' Ha? Ano daw? '

" Yes baby? "

" Kups Kups! "

Biglang naalala ni Blue ang sinabi niya kay Hunter. ' tangina, minumura ako ng anak ko? Kupal ako? Gago. '

" Bad yung kups baby. " Sabi niya at hinalikan ang anak niya sa pisngi.

" Maymen! "

Napatingin naman siya kay Lian. Parang kahit anong i-filter niya sa pagmumura niya kapag ginaya siya ng kanyang anak ay mukha pa rin itong mura.

" Hey!... Ay si manang. Hello po manang. "

Lahat ay nagbigay respeto sa matandang nakaupo sa gilid ng kuwarto at nagmamasasid kay Blue. Manang o kaya naman ay nanay ang tawag nila sa matanda.

Agad na kinuha ni King si Sian at itinayo sa harapan ni Xavier. Ang dalawang bata ay magkaharap at nakatitig sa bawat isa.

" Kung sino iiyak, walang regalo ah!. "

Pagkasabi ni King ay kinuha niya ang kendi at inilagay sa harapan ng dalawang bata. Nang kukunin na nina Sian at Xavier ay agad namang hinablot ni King ang kendi kaya't hindi namamalayan ng dalawang bata na wala ang kendi at nagsalpukan sila.

" Sige sapakan kayo! Sige Sian banatan mo! Ilag ka Xavier! Naku! Wag kang papasabunot! "

Bigla namang kinotongan ni Blue si King.

" Ginawa mo pang manok ang anak namin ni End at pinagsasabong mo. Naku! Nagtataka ako sa'yo kung paano mo napapapayag si Ley na hiramin ang anak niya. "

' kung wala lang anak ko baka sandaang mura na naabot mong gago ka. '

" Tsk, KJ mo, para nga malaman natin sino malakas sa kanila. "

Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon