CHAPTER 28 🌵

7.5K 191 14
                                    

" Nasaan si Blue? "

Hindi nagsalita ang mga kaibigan ni Blue nang magtanong si Ley.

" Wala eh, ika-isan' taon ngayon ni Loaisa. "

" Ano U? Isang taon? "

Naguguluhan si Ley at kinuha naman ni King si Xavier na kasalukuyang buhat niya.

"Isang taon mula iwan siya ni Loaisa. Hindi pa rin bumabalik at si Blue ay naghihintay pa rin. "

" Ahh, ganun ba Hunt? Idaan mo na lang sa kanya ang pahita namin. "

" Sige. Ako wala? Ako proxy ni Blue sa binyag ah. "

" Hahaha. Naku Hunter, napaka patay gutom mo. Hahaha, sige na. Kunin mo 'yong green. "

Sinamahan nila si Ley hanggang matapos ang binyag ni Xavier. Nang matapos ang kainan tumulong din sila sa pagliligpit.

" Wala bang painom Ley? "

" Hahaha, doon kayo humingi ng pang-inom sa ama ni Xavier. Jusko bininyagan na lahat-lahat anak niya 'di pa nagpapakita. "

Natigil si Johan sa sinabi ni Ley at may luhang pumatak sa kanyang mga mata.

" Sorry, sige na. Mauna na kayo, alam kong bibisitahin niyo si Blue. "

" Oo, eh... Ley, puwede ko bang hiramin si Xavier? Ibabalik ko din bukas. "

" King, huwag ngayon. Bukas mo na lang hiramin si Xavier. "

" Dali na, para naman makita ni Blue ang napakapogi niyang inaanak. "

" Para matuwa naman si Blue, lagi na lang siyang nasa ospital. Ginawa na nga niyang bahay ang Jones Hospital habang naghihintay kay Loaisa. "

Napabuntong hininga naman si Ley at napatango.

" Saglit lang akin na muna bibihisan ko at ihahanda ko lang ang gamit ni baby. "

Pumasok sa loob ng bahay si Ley at inalagay sa isang bag ang mga gamit nankailangan ni Xavier.

" Ito na, ingatan niyo si Xavier ah. "

Tumango naman si King at nag thumbs up pa. Parang nasa isang pelikula si Xavier kasama ang pitong nagsisigwapuhang mga ninong. Si King ang may buhat kay Xavier samantalang nilalaro siya ni Hier gamit ang isang maliit na drone, taga punas naman ng pawis si U, si Yller naman ay pinapaypayan si Xavier, si Johan naman ay inaayos ang buhok ni Xavier sa tuwing nagugulo sa pagpapaypay ni Yller, si Hunter naman ay taga punas ng laway ni Xavier at tagapigil sa tuwing isusubo ng bata ang sarili nitong kamay, at si Rare ang nagbuhat ng gamit na binigay ni Ley

Sa di kalayuan nakatingin lang si Shannon kay Johan at nalulungkot dahil hindi natikman ng anak niya ang ginagawa ng ama nito sa ibang bata... Kasalanan rin naman niya kung bakit ganito si Johan kaya wala siyang magawa kundi ang manahimik at tiisin ang sakit.

Sumakay na sila sa sasakyan at pupunta sa bahay ni Blue. Habang nasa sasakyan tumunog ang cellphone ni Yller. Kaya naman napaiyak si Xavier sa gulat.

" Oo sige, iwan mo na lang sa labas. Huwag kang mag-alala malapit na ko. "

Pinatay ni Yller ang tawag at palihim na tumingin sa mga kaibigan niya.

" Sino tumawag sayo? "

Ngumiti siya kay Hier, bago sumagot.

" Kapit bahay ko, pinapaiwan 'yong aso sa bahay. "

Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon