CHAPTER 26 🌵

7.3K 169 6
                                    


BLUE's POV

Nagising ako sa loob ng isang madilim na kuwarto. Masakit ang ulo ko sa nasinghot kong pampatulog. Bigla namang may nag-flash na video sa harapan ko at tiningnan ko kung saan nagmumula ang video. May projector pala dito.

Nanigas ako nang makita ko ang gulo-gulong mukha ni Loaisa at may pasa ang asawa ko gilid ng labi.

" PUTANGINA! "

" Blue "

Tumulo ang luha niya at agad akong lumapit sa harap.

" Hahahahaha. Tangina ayoko na, natatawa na talaga ako. "

Ha? Anong meron? Gumalaw ang video at napunta sa mga tao sa gilid. Doon ko nakita ang mga depunggal kong kaibigan.

" Mga bwisit kayo! Wala na! Sige U itutok mo na kay Loaisa. Sabihin mo na agad ang gusto mong sabibin Loaisa. "

" Sige direk Cha. "

Nagulat ako dahil pagkatutok kay Loaisa ng Camera ay para na itong baliw. Kanina umiiyak ngayon tumatawa naman.

" CONGRATULATIONS! "

Isang salita ang sinabi ni Loaisa at lahat ng ilaw dito ay biglang bumukas. Nakita ko sa likuran ko ang buo kong tropa na nakangiti sa akin.

" Congrats pre. "

Si U ang unang lumapit sa akin at kinamayan ako.

" Tangina nakapuntos. "

Binatukan naman ako ni King.

At sina Hier, Johan at Hunter ay inapakan ang paa ko.

" Binyagan ka muna namin bago ka maging daddy. "

Ha ano daw daddy? Nagulat naman ako dahil pinahiran ako ni Rare ng icing sa pisngi.

" Tabi, tabi, tabi! "

Nagsiusuran ang lahat sumakto ang buga ng champagne sa mukha ko. Tangina talaga.

" CONGRATULATIONS! "

SI Loaisa ay pumunta sa harapan ko dala ang isang maliit na regalo. Nang buksan ko ito ay isang pregnancy test na may dalawang guhit.

" 9 weeks. "

Naiyak ako sa sinabi ni Loaisa. Lumapit siya sa akin at niyakapa ako.

" Bakit ka umiiyak? "

Agad niya akong niyakap.

" I'm sorry. "

Bakit naman kaya siya humihingi ng tawad?

" Bakit? May kasalanan ka ba? "

Mapait na ngumiti si Loaisa sa akin.

" Ngayon ko lang kasi nasabi na buntis ako. "

Napahinga ako ng maluwag

" That's okay. "

" Okay. Doktor kwak-kwak. 50,000 pesos. "

Nagulat ako sa sinabi ni King at ipinakita ang nakuha niyang larawan sa camera niya.

" Sige, bigay ko sayo bukas pera. Kaliwaan ah. Punta ka sa bahay i-develop mo 'yang picture. "

Nagkamay kaming dalawa na para bang negosyante na nakapag close ng deal.

" Teka muna mga Gago! "

Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon