[5]- Bakit ang bait mo?

209 11 0
                                    

Chapter 5 - Bakit ang bait mo?

HANA JANE'S POINT OF VIEW

Kanina... Habang kinaka-usap nang isang butihing lalaki na 'to ang boyfriend kong si Lance... Nagulat na lang ako, nang bigla akong hilahin nito. Braso, hanggang sa napahawak na siya sa kamay ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba at biglang nanlamig ang mga palad ko. Bakit?

Nang magpakilala na ang lalaking humila sakin. Nagtaka ang boyfriend ko na si Lance nung tatanggalin na nang lalaki ang sumbrero niya. Pero bigla na lang nautal si Lance. Laking gulat ko dahil ito yung owner ng school kaya pinipilit kong alisin ang kamay ko sa kamay niya pero lalo niya itong hinigpitan.

Pero nang mag-sorry si Lance sa harapan ko...bigla na lang ako napaiyak. Bakit? Ibig sabihin na ba nun break na kami? Huhuhu...

Dinala ako ng owner ng school sa office niya. Pagkapasok namin ay agad niya akong pina-upo sa sofa at binigyan ng tissue.

"Are you okay? Hana..." agad niyang sabi saken. Medyo nagtaka naman ako. Ang suplado nito pero bakit biglang bumait? End of the world na ba?

Kumuha ako ng kaunting tissue at pinahid sa mga luha ko. Suminga na rin ako para matapos na 'to. Bigla na lang ako napatingin sa kanya at nakita ko siyang ngumisi. Hala?

"Bakit ka nakangisi, Sir?" Tanong ko dito. Bigla naman nag-seryoso ang mukha niya.

"What?" Aba at nagbingi-bingihan pa nga! Walanjo.

"Bakit ang bait mo sakin?" Dahil nagtanong na rin naman siya ng 'what?' iniba ko na lang ang itatanong ko.

Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang tissue na binigay niya sakin. At tumayo, pumunta sa swivel chair niya at naupo.

"Napilitan lang ako! What is your name, again?" Bigla niyang pagbabago ng usapan namin. Di ba nabanggit na niya kanina? Gulo talaga niya! Napa-ayos naman ako ng upo dahil naramdaman ko ulit ang kaba ko.

"H-hana Jane po, S-sir Hyums!"Pagkasabi ko nun bigla kong naalala yung inasal niya kaninang umaga. Sinigawan niya kaya ang Mama ko! Akala mo nakalimutan ko na? Hindi noh!

"Okay. You may go!" At bumaling sa loptop na kaharap niya. Bigla akong napatayo at lumapit sa table niya.

"Bago PO ako umalis! May kasalanan ka pa PO sakin!" Pinag-didiinan kong sabi sa kanya. Nagtaka naman siya kung ano ang pinagsasa-sabi ko.

"What is your problem?" Napatayo din siya at tinitigan ako. Ngayon ko na ilalabas ang kanina ko pang tinitiis. Di ba sabi ko kanina, kapag nagkita kami ay sasapakin ko siya? Pero di ko kaya yun ehh...Sisigawan ko na lang siya.

"IKAW NA HYUMS KA! BAKIT MO SINIGAWAN ANG MAMA KO! WALA KANG KARAPATAN DAHIL NAKITULOG KA LANG SA BAHAY KO!" Sabi ko nang pasigaw sa kanya. Titig na titig ako sa mga mata niya ngayon. Pero, bigla ko na lang nakita ang noo niya na kumunot. Parang binabawi ko na ngayon yung sinabi ko kanina.

"And so? I don't no why kung paano ako napunta sa kwarto mo! At isa pa! I thought the two of you are new housemaid in my house!" Talaga nga naman kapag mayayaman ano?

"A-ah..." wala akong masabi dahil may dahilan naman siya. Hehe wala akong karapatang mag-reklamo.

"Okay! You may go, Now!" Pagkasabi niya nun ay agad na nagsikilos ang mga paa ko palabas pero bigla na lang ako napatigil.

I will be your Last Wish [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن