Chapter 23

143 2 0
                                    

"Raikko.." agad na tumayo si Raikko at hinalikan si Hana sa noo.

"How was your feeling right now? Nakakahinga ka na ba ng maayos?" Nag-aalalang sabi ni Raikko at hinaplos ang buhok ni Hana. Dahan-dahan namang tumango ang dalaga at hinawakan din pabalik ang kamay ni Raikko dahil alam din niya na nag-alala talaga ito sa kanya.

"I-I'm sorry," pabulong na sabi ni Hana pero marahan namang hinaplos ni Raikko ang pisngi niya.

"Hush, huwag ka munang magsalita, sapat nang marinig ko ang pangalan ko mula sayo," nakangiting sabi ni Raikko kung kaya napangiti na rin si Hana sa kanya.

"Magpahinga ka muna Tiffany," sabi ni Raikko sa totoong pangalan ni Hana kung kaya't ipinikit na ni Hana ang mga mata niya at naramdaman naman niya na inihilig ni Raikko ang mukha nito sa kamay niya.

Hana's Pov

"Anak," nagpalingon-lingon ako nang marinig ang hindi pamilyar na boses ng isang babae sa ibang direksyon. Pilit kong hinahanap ang nagsalita pero puro puti lang ang nakapaligid sa akin. Ni-wala akong makitang ibang kulay kundi ang damit lang na suot ko.

"Patay na ba ko?" Tanong ko sa sarili ko pero narinig ko na lang ang boses kong nag-echo, na hindi ko man lang malaman kung saan nanggaling at kung paanong paraan nag-echo ang boses ko dahil wala naman akong makitang kahit na ano dito.

"Anak.." narinig ko na naman ang boses ng babae kung kaya't hinanap ko ulit ito kung saan nanggagaling pero bakit wala akong makita na kahit sinong kasama ko?

"Sino ka?" Tanong ko sa kawalan ng mag-echo na naman ang boses ko.

"Tiffany, anak ko" nakaramdam ako ng panghihina nang banggitin niya ang tunay kong pangalan.

"Sino po ba kayo?" Nangangatal na sabi ko dahil marami nang tumatakbo sa isipan ko.

"Tiffany, anak..ako ito" napahawak na lang ako ng bibig ko nang isang babaeng may pamilyar na mukha ang nagpakita agad sa harapan ko.

"M-mom," bulong ko at agad naman siyang tumango at nilapitan ako. Agad ko naman siyang niyakap dahil ito ang gustong-gusto kong gawin, ang mayakap ng mahigpit ang totoong mama ko.

"Ang prinsesa ko.." naramdaman ko ang paghaplos ni Mom ng buhok ko at humimig siya ng mahina para patahanin ako na panay ang iyak habang yakap ko siya.

"Shsss stop crying my princess," lalo ako napahagulhol ng marinig ko ang sinabi niya.

"Ang mommy ko.." umiiyak na sabi ko at bigla na lang siya kumalas sa yakap ko sa kanya at hinawakan niya ang balikat ko.

"Ang mahal kong anak, kumusta ka na? I'm so happy that Raikko find you" nakangiting sabi ni mom habang marahan niyang pinupunasan ang luha kong kanina pa nagbabagsakan.

"Mom,"

"Anak, hindi mo pa oras, magpakatatag ka muna at iparamdam mo kay Raikko ang pagmamahal na matagal ng ipinagkait sa kanya. Iyakap mo na rin ako sa kapatid mo anak ko," nakangiti akong tumango sa mommy ko at niyakap ulit siya nang mahigpit.

"I love you Hana, you are the best treasure that I've got, ikaw ang nagparamdam sakin na may nagmamahal pa sakin, please wake up and whisper my name..." Naramdaman ko na lang ang isang mahigpit na nakahawak sa kamay ko at ang mariing pag-iyak ng isang lalaki dahil naririnig ko na humihikbi na ito..

"Raikko.." yan agad ang nasabi ko dahil ngayon ko lang nakita si Raikko na umiyak nang ganito. Oh please, don't cry Raikko..mas nalulungkot ako kapag nagkakaganyan ka.

"How was your feeling right now? Nakakahinga ka na ba nang maayos?" Nakita ko ang pag-aalala talaga sakin ni Raikko kaya marahan akong tumango sa kanya.

"I-I'm sorry," yan na lang ang nasabi ko sa kanya. I'm sorry dahil maiiwanan kita, hindi ko gustong iwan ka kagaya ng sinapit mo sa first love mo pero mukhang hindi ko na kayang magtagal pa Raikko.

"Hush, huwag ka munang magsalita, sapat nang marinig ko ang pangalan ko mula sayo," nakangiting sabi sakin ni Raikko kaya hindi ko din napigilan at ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Magpahinga ka muna Tiffany," sabi niya kaya ipinikit ko ang talukap ng aking mata at sinimulan ko nang matulog pero agad kong naramdaman ang pagkahilig ni Raikko sa kamay ko.

Napangiti na lang ako at hinawakan ko rin ang kamay niya hanggang sa makatulog na ako.

**

"Raikko kumusta na siya?" Bigla na lang ako nalingatan ng marinig ang boses ni mama, ang pangalawang magulang na nag-aruga sa'kin.

"Ayos lang naman po siya pero hindi pa po kasi pwedeng tanggalin yung oxygen na nakakabit sa kanya."


"Ganun ba, ano ba sabi ng doktor? Bakit hindi niyo agad ako tinawagan, paano kung ano na ang nangyari sa anak ko tapos wala akong kaalam-alam?" Napamulat na lang ako ng dahan-dahan ng marinig kong umiyak si mama.

"M-mama, ayos lang po ako" sabi ko at naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa pisngi ko. Nang imulat kong muli ang mata ko, nakita ko si mama na maluha-luha pa rin.

"Mama, h-huwag na po kayong umiyak, m-magiging maayos din po ang lahat," bulong na sabi ko na mas lalong nagpaiyak kay mama. Oo, alam ko sa sarili ko na wala nang pag-asa. I'd be a hopeless person now, wala nang pag-asa pang mawala ang sakit kong ito.

"Aasa ako anak, aasa si mama.." sabi ni mama na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

"Mahal po kita mama, hayaan mo po kapag gumaling na ako babantayan ko po kayo at pati na rin si kuya at ikaw Raikko," mahabang sabi ko at hindi ko na inabala pa ang oxygen na nasa bibig ko ngayon.

"Mahal din kita anak ko, aasa ako" sabi ulit ni mama kaya napahawak na lang ako sa kamay niya.

"Aasa din ako sayo Hana Tiffany Morgan, aasa ako na hindi mo ako iiwan...mahal na mahal kita.." halos magulat ako sa sinabi ni Raikko pero ang hindi ko inasahan ng halikan niya ako sa pisngi.

I will be your Last Wish [COMPLETED]Where stories live. Discover now