[13]- Meet your real Mom!

167 8 0
                                    

Chapter 13 - Meet your real Mom!

HANA JANE'S POINT OF VIEW

Nandito na kaming dalawa sa bahay ni sungit. Wow! Malaki pala ang bahay nila? Pero.... baka naman nakakahiya! Makikitulog ako diyan ehh... Hahaha...

Nasabi na rin pala sakin ni Raikko na pumayag na si Mama sa pagtulog ko sa bahay niya, basta ingatan lang daw niya ako. Ang sweet ni Mama sakin noh?! O.... ni Raikko! Yiiiiiieee kilig much. >////////<

"We're here!" Sabi niya at bumaba na siya kotse. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nagulat naman ako sa pagbukas bigla ng pinto ng kotse! Wow, pati ba kotse ni Raikko automatic??

"Baba na!" Ayt. Hindi pala automatic! Hihi... Pinagbuksan pala ako ni Raikko.

"Okie!" Sabi ko at bumaba na. Binigay niya sakin ang isang paper bag. Siguro dito nakalagay yung mga clothes ko. Bait talaga ni Mama!

"Sino kumuha nito sa kwarto ko? Si Mama ba?!" Tanong ko sa kanya. Nung binuksan ko kasi ito... Maganda ang napili ni Mama na damit! Hind masyado nakakahiya kay Raikko.

"Ahh... Ako kumuha niyan! May sinasaing kasi Mama mo nun kaya ako na pinakuha niya.." HUH??? Grabe! Parang nahiya ako dun! Ibig sabihin............nahawakan niya ang underwear ko!!!!!? What the packing tape! Nakakahiya!!! >////<

O___________O -me

^____^ -Raikko

Ngiting-ngiti siya diyan ahh... Kainis! Nakakailang tuloy! Hay nako!

"A-ah?! G-ganun ba? S-salamat!" Feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan pumunta na sa pisngi kooooo! Nakakahiya talaga!

"Ano pa ba ang iniisip mo diyan? Tara na!" Nauna na siyang maglakad papasok sa loob ng bahay nila. Wow, may nagbukas!? Yaman!

Nung pumasok ako.... May nakita akong tatlong Yaya... Mga kasambahay! Medyo nasa 40s na y'ata ang mga ito. Nginitian nila ako at binalik ko din sa kanila. Si Raikko naman diretso lang sa paglalakad. Ayt! Ang snobber naman!

Tumaas na kami sa hagdan. Kung ide-describe ko lahat ng gamit nila, baka mamangha kayo ehh... Lahat ng makikita mo mga mamahalin at mukhang galing ibang bansa. Lahat maganda at parang kagamitan sa palasyo... Pero magugulat kayo dahil ang hagdan nila may.... Brown Carpet! Daig! Hahaha... Totoo naman ehh.

"Here is my Room! Dito ka matutulog!" Sabi niya at binuksan ang kwarto niya. Teka... Kwarto niya??? Hala!

Hana! ‘Wag Green minded! Hay nako!

Pumasok na kami sa loob at ang bango... Maganda din ang design nito! Maraming book sa gilid. Nakalagay sa may bookshelf. Alangan naman di ba? Hahaha... May malaking kama din pero sa ganung size mga King size siguro. May lampshade sa bandang kaliwang kama. Syempre nakapatong sa isang drawer. Meron din sa tapat nang kama niya na flat screen T.V. nakasabit ito sa may wall/pader. Astig nga ehh... Meron din siyang DVD palyer dito. At meron din sa may bandang kaliwa na salamin ang pinto.... Siguro kung sa aming mga mahihirap, balkon tawag diyan? Yung pahanginan lang? At... Mayroon akong nakitang dalawang pintuan. Yung isa may nakapaskil na....

Warning⚠: Ladies are not allowed....

Na-weirdohan nga ako dun ehh... Bakit may itinatago ba siya dun? Kaloka! Akala naman ni Raikko papasukin ko ang loob niyan noh! Yung isa naman C.R. y'ata...

I will be your Last Wish [COMPLETED]Where stories live. Discover now