Chapter 26

150 3 0
                                    

Hinaplos ko ang gown na isusuot ko sa susunod na linggo. Mismong araw ng birthday ko ang kasal namin ni Raikko.

Marami din akong nakakasalubong na classmate na puro tanong ng tanong kung ano ba daw nangyari sakin at mahigit ilang buwan na rin akong hindi pumapasok.

May kumalat din sa school na pinapasukan ko na tsismis na nabuntis daw ako kaya nahiya at naisipan ko na lang daw na hindi pumasok para hindi pa mapahiya.

Sobrang nagalit si Raikko dahil sa tsismis na yun kaya nagpatawag siya nang meeting sa school gym at sinabi niya na siya daw ang boyfriend ko at lahat nagulat dahil sa sinabi niyang yun. At kung sino ang nagkalat ng tsismis ay yung girlfriend nung ex ko. Astig di ba? Nagpakalat talaga siya ehh wala naman siyang alam sa nangyayari sakin.

Pero nagulat ang lahat nang minura siya ni Raikko at binigyan ng punishment, tinanong ko nga kung ano yung ibibigay niya pero sabi niya hindi naman daw niya sasaktan..paglilinis lang naman daw niya.

"Anak, nasa baba si Raikko.." napatigil ako sa pag-iisip ng mga nangyari nang pumasok na si Mama sa kwarto ko.

"Kasama niya si Nathan," sabi ni Mama at lumapit sakin at niyakap ako.

"Anak,"

"Oh mah, umiiyak ka na naman..di ba sabi ko po sa inyo gagaling ako?" Natatawa kong sabi kay Mama at pinunasan ang pisngi niya.

"Dapat sinabi ko na agad para naipa-check up na agad kita..naiinis ako sa sarili ko anak.." hinawakan ko ang kamay ni mama at huminga ako ng malalim.

"Pinangako sa inyo na mamamasko pa ako kay Raikko di ba Mah? Aabot pa ako sa christmas, gusto ko din na magka-graduate.." sabi ko at pinunasan ang luha ni mama.

"Paano ka ga-graduate eh mas nauna pa nga ang kasal niyo ni Raikko.."

"Eh bakit po? Di naman masama yun ahh..hahaha" sabi ko at tumayo na sa pagkaka-upo ko sa kama.

"Pupuntahan ko lang po si Raikko ma, promise ko po yung sinabi ko sa inyo ngayon.."

"Aasa ako anak ko.." nakangiti si mama nang umalis ako at bumaba na para makita si Raikko.

"Hi," sabi ko nang makababa na ako. Pero nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Raikko nang mahigpit.

"I'm so sorry..I'm so sorry..." Sobra ang iyak ngayon ni Raikko na wala nang bukas. Tinanong ko si Kuya Nathan kung bakit pero tumungo lang siya na parang inaasahan na niya na mangyayari ang sitwasyon na 'to ngayon.

Hinaplos ko si Raikko sa likuran niya at pilit na pinapatahan ang lalaking mahal ko pero mas lalo pa siyang umiiyak.

"Ano ba nangyari? Bakit ka ba umiiyak?" Nagtataka kong tanong at kahit ako mismo ay naiiyak na rin dahil sa ginagawang ito ni Raikko.

Lalong humigpit ang yakap niya sakin at hinaplos niya nang dahan-dahan ang buhok ko at paulit-ulit siyang humihingi ng sorry. Ano ba talaga nangyari?

"Sorry, sorry...I'm so sorry Hana.." sabi niya at bigla na lang humagulhol at niyakap ako ng mahigpit.

"Ano ba talaga ang nangyayari? Please, paki-explain naman sakin oh.." mahinahon kong sabi pero hindi pa rin tumitigil si Raikko sa pag-iyak niya.

Tumingin naman ako kay kuya Nathan na nakatakip na ang mukha niya habang tahimik na umiiyak doon sa sofa. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Kalma Raikko..kumalma ka.." sabi ko at hinaplos ulit ang likuran niya.

"Ayaw mo naman y'atang sumabog ang puso ko dahil sa pag-aalala sa into di ba? Please tumahan ka na at i-explain sakin kung bakit kayo nagkakaganyan," sabi ko dun na humiwalay sakin si Raikko sa pagkakayakap sakin at inalalayan niya akong maupo sa sofa.

Napatingin na lang ako sa dalawa na naka-upo katapat ko habang pinunasan ang luha nila at pilit na pinapakalma ang sarili.

Huminga muna nang malalim si Raikko bago tumingin sakin at nagsalita. "I'm sorry.." pauna niya bago tumingin sakin.

"Walang doktor ang kayang gawin ang surgery na hinihingi ko.. walang tao na magbubuwis ng buhay para i-donate ang puso nila para mabuhay ka.. Hana, alam kong napaka-selfish ko pero gusto kong mabuhay ka. Sabi ko sa doktor na magbabayad ako ng milyon basta mapagaling ka lang nila pero hindi...hindi nila kaya... I'm sorry...wala akong magawang kahit na ano para sayo, I'm sorry.."

"Ano ba naman kayo! Hahaha, kuya nathan..Raikko..may nagawa kayong gustong-gusto ko kaya wag kayo mag-isip nang ganyan! Syempre naman na walang papayag na tao na mag-donate ng puso niya para ipalit sakin! Hindi ko din naman tatanggapin 'yon!" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil kahit na pilitin kong maging masaya, hindi ko kaya.

"Raikko, 'wag kang makasarili, ito ang binigay nang diyos sakin at malapit na rin matapos ang misyon ko dito kasi hindi naman ako magkakaganito di ba? Raikko, Nathan..lahat ng buhay nang tao may katapusan..dahil kapag tapos na nang tao ang misyon nila sa mundong 'to..pwede na rin silang mawala." Tumayo ako para puntahan ko sila na nakayuko na ngayon. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa at niyakap ko sila.

"Maraming salamat sa ginawa niyo, tanggapin na lang natin, malay niyo magkaroon ng himala at mabuhay ako di ba?" Niyakap ko sila at humimig kagaya nang ginawa ni Mommy sa panaginip ko.


"Mahal ko kayong dalawa."

I will be your Last Wish [COMPLETED]Where stories live. Discover now