[10]- She will be mine soon!

217 7 1
                                    

Chapter 10 - She will be mine soon!

HANA JANE'S POINT OF VIEW

Hinila ko si Raikko papunta sa office niya. Alangan naman todo gora ako ehh... Makalimutan ko pa yung bag ko! Manakaw pa yung bagong cellphone na binigay sakin ni Raikko noh! Dami pa naman naming pictures!

"What are we doing here?" Tanong naman sakin ni Raikko.

"Malamang kukunin ko yung Bag ko! Baka manakawan pa ako dito noh!" Sabi ko at kinuha ang bag ko sa center table.

"Kahit na iwanan mo yan dito sa office ko, walang kukuha niyan!" Sabi niya. Napakamot naman ako ng ulo ko.

"Basta... Tara na!" Sabi ko naman at nauna ng lumabas sa office niya. Lumingon ako at nakita ko na kinausap ni Raikko yung secretary niya na si Jonathan. Saglit lang naman.

"Let's go?" Hinawakan niya ang braso ko atsaka naglakad. Hihi lagi na lang ako hinihila sa role ko ahh... Tumingin ako kay Raikko. Nakangiti pa rin siya.

"Hala! Bakit good mood y'ata si Mr. Hyums?"

"Baka, dahil sa kasama niyang girl! Ang panget-panget naman!"

Sa narinig kong yun, napayuko na lang ako. Nakakahiya naman sa kanila pero...bigla na lang tumigil si Raikko. Siguro narinig niya rin.

"THE BOTH OF YOU!" Sigaw ni Raikko. Natigilan naman yung dalawa. Pinagtitinginan din kami ng iba pang employees.

"YOUR FIRED!" Pagkatapos nun naglakad na kami ni Raikko palabas ng H.R.C Incorp. Sumakay kami sa dala niyang kotse kanina. Nakakatakot yung awra niya ngayon. Galit na galit yung brown eyes niya! Ang saveeeeeh?

"Sorry nga pala dahil nawalan ka nang dalawang empleyado!" Nakayukong sabi ko. Nagulat na lang ako ng inayos ni Raikko ang seatbelt sa upuan ko para maikabit? Basta imagine niyo na lang.

"Deserve naman nila yun! Madali lang silang palitan!" Sabi niya at ikinabit na din ang seatbelt niya. Pinaandar na niya ang kotse at pinatakbo na ito.

"Teka... Saan nga pala tayo magla-lunch?" Tanong ko.

"Well, sa restaurant!" Sabi niya. Bigla naman akong napa-iling.

"Ayoko dun! Masyadong mahal ang pagkain! Sa Jollibee na lang tayo!"

"Okay." Medyo nababaguhan ako ngayon kay Raikko, pansin niyo? Palangiti na kasi siya ngayon at lalong-lalo na, hindi na siya nagmumura! Napansin niyo din ba yun?

Wala pang 10 minuto ay nakarating na kami sa MALL? Di ba sabi ko Jollibee?

"T-teka? Bakit sa Ma- - - -!"

"I'll buy something I want! Why, may Jollibee din naman sa loob ng Mall ahh... Don't you?!" Sabi ko nga hahahaha... Na-sermonan na naman ako ni Sungit. Nauna siya maglakad at ako naman sumunod lang.

"Gwapo nun oh?!"

"Huy! Sweetie! Ipagpapalit na pala kita hahaha!"

I will be your Last Wish [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara