Chapter 27

183 3 0
                                    

Raikko's Pov

Ito na ang pinakahihintay ko. Ang mismong araw ng kasal at birthday ni Hana.

Inayos ko na ang necktie na suot ko at isinuot na rin ang mamahaling relos na ibinigay pa sa akin ng aking ama.

Kring..kring..

Hindi ko napigilang lalong ngumiti ng makitang tumatawag na sa akin si Hana ngayon.

"Hello my love, ready ka na ba sa kasal natin?" Tanong ko at isang kakaibang iyak ang narinig ko. Hindi si Hana ang kausap ko ngayon.

[R-Raikko..] rinig ko ang boses nang mama ni Hana na hagulhol na sa pag-iyak.

"B-bakit po Tita?" Natataranta kong sabi habang pilit na hinahanap kung saan ko ba nailagay yung susi ng kotse ko.

[Raikko si Hana..] bigla akong kinabahan sa sinabi ni tita. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano po bang nangyari tita? Please sabihin niyo na po" kahit na naiiyak na ko ay pilit ko pa rin na pinahinahon ang boses ko at lumabas na nang kwarto ko nang makita ko na ang susi ng kotse ko.

[Wala na si Hana..] napatigil ako sa paglalakad papasok ng kotse ko nang sabihin iyon ni Tita. Rinig ko ang bawat paghagulhol ni tita at ang iyak ng isang lalaki. Si Nathan.

Ilang segundo bago ako natigilan at nang bigla na lang nalowbatt ang cellphone ko ay naihagis ko ito.

Shit!

Mabilis akong nakasakay sa kotse ko at pinaandar ito ng mabilis. Pinaharurot ko hanggang sa hinahampas ko na nang mariin ang manibela na hawak ko.

"NANGAKO KA SAKIN! BAKIT NGAYON PA?!" hindi ko napigilan na mapaiyak dahil sa sigaw kong iyon. Bakit ngayon pa hana?

Makalipas ang ilang minuto ng marating ko ang bahay nila Tita. Agad akong pumasok ng bahay ni tita at nakita ko silang dalawa na naka-upo. Si nathan na nayuko habang parehas na nakapatong ang siko niya sa dalawang tuhod niya. Si tita naman na hindi na maawat sa pag-iyak.

Nang humakbang ako papalapit ay agad ako napansin ni Tita at niyakap ako.

"R-raikko si Hana...kaninang umaga, pilit ko siyang ginigising pero ng hawakan ko ang kamay niya...malamig na, kaya naisipan ko na buksan ang ilaw dahil hindi ko masyado makita ang itsura niya pero nagkamali ako. Naisip ko na dapat hindi ko na lang dapat binuksan ying ilaw dahil namumutla na siya... Raikko, umurong na ang dila niya...wala na siya. Wala na ang anak ko.." niyakap ko na lang si Tita na umiiyak na ngayon. Tumayo si Nathan at lumapit sa'min at siya ang umalalay kay tita papunta sa kwarto nito.

"Magpahinga po muna kayo mama," sabi ni Nathan bago niya ako tinanguan.

"Puntahan mo na ang kapatid ko. Kanina ka pa niya hinihintay.." sabi ni Nathan kaya napatango na lang ako at umakyat na sa hagdan patungo sa kwarto ni Hana.

Kahit na nasasaktan na ko ngayon at gusto ko nang suntukin ang pader, hindi ko magawa. Hana, bakit ngayon pa? Nag-promise ka sakin di ba? Sabi mo kakayanin mo para sakin. Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na hindi mo na kaya? Bakit hindi mo sinabi?

Hinawakan ko na ang doorknob at dun ko nakita si Hana na nakahiga ng tuwid at hindi na humihinga. Nagsimula nang magsibagsakan ang luha ko.

"Hana.." bulong ko at dahan-dahan akong naupo sa gilid nang kama at hinawakan ang malamig niyang kamay.

"Hana..bakit ganito?" Napahagulhol na lang ako. Hana, bakit nga ba ganito? Bakit?

"Bakit mo ko iniwan? Nangako ka sakin na aabot ka sa kasal di ba? Bakit hindi mo sinabi sakin na hindi mo na kaya? Nag-promise ka na sasabihin mo sakin pero anong nangyari? Hana.." hinawakan ko ng mahigpit ang naninigas na kamay ni Hana bago ko hinalikan ang noo niya.

"Ako naman ang mangangako sayo mahal ko, dadalhin kita sa tapat ng bulkan" sabi ko at hinaplos ang buhok ni Hana.

Akmang tatayo na ko pero nang mapansin ko ang isang papel sa ilalim ng unan ni Hana at agad ko iyong kinuha. Nakatupi pa ito at mukhang kakasulat pa lang, pero ng buklatin ko ito napaiyak na lang akonsa tiningnan si Hana.

"Ang sulat na ito ay para sa pinakamamahal ko..." Basa ko sa nakalapat na unang nakasulat.

Dear Raikko,

Ang oras ngayon ay 11:56pm. At alam ko na ito na ang katapusan ko. Raikko, gusto kong sabihin na sorry..hindi ko kinaya. Sorry dahil hindi na ako aabot sa kasal natin pero ito na talaga ang ipapangako ko at totoong tutuparin ko ito, babantayan ko kayong lahat. Siguro ngayon ay kasama ko na ang mommy ko pero pakiusap ko lang na huwag mong hahayaang mamatay sa kalungkutan si Mama, iparamdam niyo ni Nathan na may mga anak pa siya at pasayahin niyo siya. At isa pang hiling ko, ipa-cremated niyo ako at ang abo kong iyon at itapon niyo sa dagat. Kahit yun lang mahal ko. Yun lang, at ang about sa vulcan? Raikko, gusto ko na i-celebrate niyo ang birthday ko 'don, kayo nila mama...pakisabi na rin kay mama patawad dahil umasa siya na mamamasko pa ko sayo ng pera haha pero Raikko.. Salamat sa lahat, mahal na mahal na mahal na mahal kita..okay lang sakin na magmahal kang muli at magkaroon ng anak, makita lang kasi kitang tumatawa, masaya na ko. Mahal kita Raikko.

Nagmamahal,
Hana


Napatingin ako kay Hana at hinawakan muli ang kamay niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Mahal na mahal din kita, mahal ko." Yumuko ako ng kaunti bago ko hinalikan ang namumutla niyang labi.

"Lahat ng sinulat mo, tutuparin ko Hana," sabi ko at hinalikan ang noo niya bago ako tumayo at lumabas ng kwarto niya.

Naglakad na ako pababa ng hagdan hanggang sa nakita ko si Nathan na nakaupo sa sofa at nakayuko.

"Ipapa-cremated natin siya," agad kong sabi nang makababa na ako ng hagdan. Agad namang napatayo si Nathan at nagtatakang tumingin sakin.

"What do you mean?" Tanong niya para mapangiti na lang ako.

"Yun ang hiling na kailangan kong tuparin,"


I will be your Last Wish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon