Kabanata 3

1.3K 40 3
                                    

"Miss hindi ako nakikipag biruan."tawa tawang sambit ng lalaki.Nainis naman ako sa sinabi niya.

"Aba't!Bakit ayaw mong maniwala?"

"Kase ikaw yung tipong babaeng nirerespeto."sinserong sabi saakin ng lalaki.Nakaka flatter naman.

"Salamat."sabi ko sa kanya."Pero totoo ang sinasabi ko.Isa akong prostitute."sabi ko sa kanya.

"Halika dito...late na pala ako pero di bale.Masisiyahan naman sila sa dala ko."hinila ko siya papasok ng personnel room.

Nagulat naman ang mga girls at muntikan ng magtitili.

"Omo!Bakit mo iyan dinadala dito!"reklamo nila.

"Umaarte pa kayo ah."

"What i mean is hindi niya dapat kami nakikita...nakakahiya."sabi ni Gema.

"Ano nanaman itong kalokohan mo ,Maiden?"iling iling na tanong ni Elise.

"Hindi kalokohan ito.Gusto lang niya sana bumili ng isa saatin.Para pakasalan siya at babayaran naman sa tamang halaga."sabi ko na ikinagulat nila.

"Wala.Walang may gusto."reklamo nila.

Sigh."I'm sorry pero walang may gusto."sabi ko sa lalaki.

KINAUMAGAHAN...

Papasok pa lang ako ng baryo ng may makita akong mga tao.Ay hindi,mga taga baryo namin na nagsisitakbuhan."Teka miss anong nangyayari?"tanong ko sa babaeng nakuha ko.Pero agad din siyang kumawala pagkatapos ay nagtatakbo.

Kaya nagtakbo na din agad ako.Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari.Nang marinig ko ang ale na nag sabi ng Sunog,halos nag slow mo ang lahat.Gusto kong liparin papunta sa inuupahan namin.

Paano si Irish at ang anak ko?Kaya mabilis ko iyon nilisan.Nagulat ako ng makita kong makapal na ang apoy sa inuupahan namin.Pilit kong pumasok pero wala.Hindi ko na kayang makapasok.Kaya ayun,napasubsob ako sa daan.Naapakan pa nga ako ng iba,may iba din nagkusang loob na tulungan ako,pero wala akong pakielam.

Mga ilang minuto ang lumipas,ganun pa din ang apoy,dumating na din ang mga bumbero kaya halos halikan  ko na ang paa nila.

"Parang awa niyo na...nandiyan ang kapatid at anak ko.Hindi sila pwedeng mawala!"

"Opo ma'am.Kalma lang kayo."sabi naman ng bumbero.Dinala muna nila ako sa isang van.Nandoon ang mga taong nasagip nila.

Tulala lang ako.Nag iisip,hindi ko alam ang gagawin kapag nawala pa sila sa buhay ko.Sana ligtas sila...sana ..sana.

"Kawawa naman yung babae."napatayo ako sa narinig ko.May nagtulak kasi saakin na tumayo ako.

Halos saksakin ng ilang beses ang puso ko nang makitang sunog ang mukha ni Irish at wala ng buhay.Yung anak ko nakabalot sa maleta,hindi nga nila malaman ang dahilan.Pero isa lang ang naisip ko,niligtas ni Irish si Baby Apple kahit na hindi siya nakakakita.

Iyak lang ako ng iyak.Wala na...wala na ni isa sa pamilya ko ang natira.Tanging si Apple nalang.Siya nalang...kaya pipilitin kong magpakatatag para sa kanya.

Hindi naman siguro ibibigay ni Lord ang pagsubok na ito saakin kung di ko kakayanin.

Kaya ko 'to.Kaya namin ni Apple 'to.

TULALA lang akong nakatingin sa kabaong ni Irish.Hindi man lang niya naranasang makakitang muli bago siya kinuha ni Lord.

"'Wag ka nang umiyak Ela.Nandito naman ako."hinagod hagod pa ni Elise ang likod ko.

Pilit kong ngumiti kahit masakit."Salamat at nandito kayo para saakin."nakangiti kong sambit.Nandito kasi ang mga girls.Sino bang mag aakala na isa kaming mag prostitute?

"Saamin muna kayo kung wala kayong matitirhan."alok ni Elise kaya hindi na ako tumanggi.

"Salamat.Biyaya ka nang diyos saamin ng anak ko."sabi ko at yinakap siya.Salamat ay may kaibigan pa din naman ako na tutulong saakin sa kabila ng lahat.

Ang Prosti GirlWhere stories live. Discover now