Kabanata 4

1.7K 66 14
                                    

"Pasensiya na ganito lang ang tulugan namin ah."sambit ni Elise.May nakalapag lamang na banig ,may mga nakalapag na kumot at unan.Saka maliit na electricfan .Maliit lamang na parte ang bahay nina Elise.May maliit lamang na sala at dalawang maliit na kwarto.Walang kusina at banyo,nasa labas ang banyo.Sobrang sikip.Pero okay na at least pinatira pa rin kami ni Elise.Wala na  akong  pera ,ni singko wala.Damit at mga gamit wala na din .

"Okay lang naman at least may matutuluyan."nakangiting  sambit ko.

"Hayaan mo bukas mang upa nalang kayo!Or kapag sweldo natin."sabi ni Elise.

Bigla akong nalungkot sapagka't naalala ko yung mga pera na pinag ipunan ko.Mahigit tatlong daang libo na iyon.Sabagay, at least kasama ko  pa din naman ang anak ko.Yun na nga lang ,kinuha din yung kapatid ko.

Minsan naiisip ko,bakit kaya binibigay saakin ni Lord ang ganitong sitwasyon?Ginagawa ko naman ang responsibilidad ko bilang nanay at kapatid ah.

Siguro kaparusahan ko ito dahil binebenta ko ang sarili ko?Para rin naman sa kanila yun ah.Pero enough na.Siguro nga pagod na si Irish.Pagod na siyang hinatayin na makaipon ako .Pagod na siyang mag hirap.Doon sa heaven masaya na siya.

May tiwala ako kay Irish kaya siguradong kay Lord siya napunta.Dahil napakabait niyang tao.

"Uy Ela narinig mo ba ang sinabi ko?"nabalik ako sa realidad ng tapikin ni Elise ang braso ko.

"Ano?Ano bang sinasabi mo ?"tanong ko.

"Ang sabi ko,bukas hahanap na tayo ng upahan niyo.Kami ng bahala sayo.Huwag ka munang pumasok mamaya."sabi ni Elise.

"Anong ibig mong sabihin?"litong tanong ko.

"Kami nalang ang subtitute mo.At kung makailan man costumer kami mamaya,hahatiin namin yun para sayo at hahanap na tayo ng upahan niyo."paliwanag ni Elise.

"No.Wag na kayong mag abala pa.Kaya ko naman ang sarili ko saka...okay na ako dito Elise.Sanay ako."nakangiting tanggi ko sa alok niya.Nakakahiya na talaga!

"Hindi hindi.Kaibigan mo kami kaya tutulungan ka namin.Sa ngayon,bantayan mo muna iyang anak mo para safety na siya."sabi niya saakin.

"Osya magreready na ako."sabi niya pero pinigilan ko siya.Taka siyang humarap saakin at napatingin sa paghawak ko sa braso niya.

"Ano?"

"Salamat sa lahat lahat.Promise ko na babawi ako sa inyo."sinserong sabi ko.

Umiling siya."Kahit hindi na.Kaibigan ka nga namin,dapat nagtutulungan okay?Huwag ka nang mag isip ng nega."sabi niya saakin.

"Okay...sorry.Ingat ka nalang."sabi ko sa kanya.

"Bye!"kumaway pa ako.

"Ano ka ba hindi pa man ako aalis."natatawang sambit niya.

"Haha.Advance ako mag isip ea.Sige na mag ready ka na,matutulog na ako pwede?"tanong ko.

"Oo sige free to sleep."

Tumango lang ako at nahiga na.

..~~..
Bryce Pov

"Please mom!Understand me!Wala.Wala pa akong nahanap."nakakainis lang .Sinabi ko na kay mommy na wala pa akong nahanap na babaeng pinapahanap niya.Gustong gusto niya na maghanap ako ng prosti girl at may mission siya na dapat gawin.Ano bang pake ko dun.And kung nagtataka kayo kung bakit ko sinabi na papakasalan ko sila,yun din ang bilin ni mom.Sigurado daw papayag sila.

Pero wala e.Naalala ko naman yung babaeng pinagtanungan ko.Hindi siya mawala sa isip ko.Ano bang meron sa kanya?Ayss.Tinamaan na ba ako sa kanya?

Ang Prosti GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon