Kabanata 9

654 25 0
                                    

"Heto na. "sabi ko at nilapag ang mga nilutong pagkain.

"What is that? Eww. "maarteng sambit nang babae kaya napataas ang kilay ko.

"Atay po Miss Eunice. Hindi mo ba nakikita? Bulag ka ba o nagbubulag bulagan lang? "sarcastic  kong tugon.

"What i mean is. 'Yan ba ang sinasabi niyong special recipe Mine?Just like eww. I can't imagine! It's so kadiri"aba! Ang arte nito ah! Kung pwede lang talaga sana nilason ko na ang bibig nang babaeng ito. Ngunit hindi talaga pwede. IT'S SO KADIRI daw ang kilawin? Ang atay? E napakasarap kaya niyan.

"Aba kung ayaw ng gf mo Bryce, tayo nalang ang kumain. "sabi ko at ngumiti nang pagkatamis tamis kay Bryce.

"Woy! Excuse  me bruhilda. Walang kayo ni Mine ko. He's only mine! Not yours! "
nakataas at taas noong tumayo sa harap ko. Hiyang hiya naman ako sa height  ko. Pero di bale, mas maganda naman ako sa kanya! Puno lang nang make up ang mukha niya tss. Kaya di malayong magkakaroon siya nang maraming tigyawat! Maraming marami!

"Tama na nga yan! Mine, please act like a mature  one. "sabi ni Bryce kaya napayuko ito.

"Ela, pagpasensiyahan mo na siya. "
e ano pa nga bang magagawa ko kung 'di um-oo nalang.


"OH inom. "abot ni Elise sakin ng beer. Nasa balcony kami ngayon. Malalim na ang gabi pero wala pa rin si Bryce. Kami naman ni Elise hindi kami makatulog kaya napag isipang bumili ng beer sa convenience  store malapit dito.

Hindi naman kami basta basta makakagalaw ng wine dito, kailangang ipagpaalam muna kay Bryce. Pero nahihiya kami at wala kaming contact sa kanya. Isa pa, sanay na kami sa beer ni Elise  since nagtrabaho naman kami sa bar. Naranasan pa nga naming tumikhim nang yosi e.

"Hay buhay talaga. "sabi ko sabay lagok nang beer.

"Ibuhos ang beer saaking lalamunan... upang malunod na.. "

"Uy gaga! Baka umulan. "sabay batok sakin ni Elise.

"Aray ko naman! Basta basta ka nalang nambabatok ah. "sabay irap ko.

"Hindi ako mahal ni Bryce... May gf siya. Kailangan ko nalang tanggapin. "sabi ko at napabuntong hininga.

"Ela. Ito lang ang maadvice ko sayo. Hindi porke hindi ka gusto ni Bryce.. mag iiba na ugali mo oh pag sungitan yung gf niya. Hindi naman ata tama yun. Basta ang gawin mo lang, magsumikap ka. Marami pang lalaki ang maghahabol at magmamahal sayo Ela. Maganda ka naman. Basta ibaon mo nalang sa hukay ang nakaraan natin at gawing malinis ang sarili. Baguhin mo ang dating ikaw. Tignan natin. Kung sino pa sila sayo. "

Napa isip ako sa sinabi ni  Elise.

Tama siya.

Ibaon sa hukay ang nakaraan at magsimulang muli.

Gawing kagalang galang ang aking sarili.

"Tama. Baguhin ko ang looks ko. Tignan natin. "sabi ko sabay tayo.

Napangisi naman si Elise.

"Cheers. "

Ang Prosti GirlWhere stories live. Discover now