Kabanata 6

923 32 4
                                    

"Sigurado ka talaga sir? "pang uulit ko dahil hindi ako makapaniwala na kukunin niya ako para sa mommy niya.

"Yes. Dahil wa rin naman akong magagawa kung hindi sumunod sakanya.At wala rin akong nakikitang babae na tutulong pa saakin. At sa tingin ko rin, ikaw ang magiging sagot sa aking mga katanungan. "
sabi niya kaya napatunganga nalang ako.

"Sige sir. Makaka asa ka. Gagawin ko anumang mission ang ipagawa sakin ng mommy mo. Hinding hindi ko sisirain ang tiwalang alam kong mayroon ka. At promise sir.Masasagot din yang katanungan mo. "nakangiting saad ko at kusang yinakap siya.

Medyo nahiya pa nga ako kasi feeling ko ang dumi dumi ng pagkatao ko. Pero hindi ko yun pinansin kasi mukhang di naman tumitingin itong si sir Bryce sa katauhan ng isang tao e. Importante mabait ako at makakapagkatiwalaan niya.

"Mm we need to go. "sabi niya at hinawakan ang kamay ko.Feel ko sa kanya ang pagmamadali. Bakit kaya?

LUMIPAS ang ilang oras naka biyahe pa rin kami. Ewan ko lang kung saan na yung malapit na sinasabi niya. E kanina pa niya sinasabing malapit e. Nag aalala na rin ako kay baby Apple. Sabagay nandun naman si Elise para  alagaan ng mabuti ang aking pinakamamahal na anak. Siya nalang ang natitirang pamilya ko. Siya nalang ang nagpapalakas ng loob ko para lumaban sa buhay.

"Sir? "kailangan ko na talagang magtanong. Hindi ko alam kung hihinto pa ba ang kotse o ano." Pero teka, "sabay tingin sa paligid.

"Uhh? Sir.. "lumingon lang siya sandali sakin saka na nagfocuse sa minamaneho.

"Sir hindi na po ito Pasay. "sabi ko sa kanya.

"I don't care wherever we are. The important  is natakas kita. "sabi niya bigla.

"Ano po? Hindi po kita maintindihan sir. "
naguguluhang tanong ko sakanya.

"The truth is... alam ko na ang pakay ni mommy sainyo. Ang ipasara ang naturang bar na pinagtatrabauhan mo because  it's illegal. "sabi niya saakin.

"At kaya siya nagpapakuha sakin ng isang prosti girl para magkuwento kung ano ano ang ginawa ng may ari ng bar na iyon. "

"Dahil ang may ari ng bar ay ang kabit ni daddy.Ganun ang purpose  ni mommy. Kahit alam kong mas kinakampihan pa kita, kasi ayaw ko lang naman na mapahamak ka. Dahil... "

Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng hininto na niya ang sasakyan.

"Baba. "utos niya sakin kaya bumaba nalang ako. Bigla akong napayakap sa sarili kong nang humangin ng malakas. Besides, ang sarap sarap sa pakiramdam. Ano bang lugar ito? Bakit parang nakakawala ng stress at panandalian mong makakalimutan ang mga problema mo sabtuwing pupunta ka dito?

"Ang ganda naman dito sir. "nakangiting
sabi ko sakanya.

"Dito muna tayo. Kahit panandalian lang mawawala ang problema mo at least  nakapag relax ka. "

"Sir ano palang balak mo? "tanong ko naman. Kasi di ko maiwasang hindi matakot dahil ipapakulong nga kami hindi ba? Ayaw ko namang mawalan ng ina ang anak ko at balang araw tuksuin siya dahil sa trabaho ko.

"Ilalayo kita. "

"Pero sir. May anak akong naiwan sa Pasay at siyempre yung kaibigan ko na tumulong sakin. "

"Huwag kang mag alala sakanila. Ako na ang bahala. Basta iwanan muna kita sa bahay natin. "biglang sabi niya ng ikinagulat ko.

"Tara na at nang makapag pahinga ka na doon. "sabi niya at sinamahan ko nalang siya.

"Akong bahala sa kaibigan at anak mo. Relax ka muna diyan sa bahay. "sabi niya at ipinagkatiwala na ako sa isang kasambahay doon at siya naman ay inasikaso na si Elise at baby Apple.

Ang Prosti GirlWhere stories live. Discover now