Kabanata 8

659 16 0
                                    

"Ay tignan mo oh. Akala ko bang ika'y mahalaga sakanya? "tanong ni Elise sabay turo kay Bryce na may kaakbayang babae.

"Aba! Ay naku Elise. Basta basta ka nalang naniniwala kay Bryce? Sinasabi niya lang yun dahil naawa siya sakin. Saka di naman ako nag aassume na gusto ako nang Bryce na yan. "sabi ko naman sakanya. Pinagpatuloy ko lang ang pagdidilig nang halaman. Simula kasi nang tumira kami dito,pinagsisilbihan namin si Bryce. Parang nagmukha kaming katulong pero hindi naman literal na katulong.

Ayaw naman ni Bryce na gumagawa kami nang gawaing bahay. Pero ano pa nga ba ang gagawin namin ni Elise dito. Napakaganda na ng tinitirhan namin, masasarap na pagkain, may maayos na damit at tulugan. Kaya saan pa kami? Kapag gusto naming bumili nang pansarili bibigyan niya kaming pambili.Kaya sa pamamagitan nang pag aayos at paglilinis sa bahay niya, at pag silbihan siya, dun nalang namin sinusuklian ni Elise.

"Ewan ko lang. Oo nga siguro. Hindi sa katulad mong klaseng babae magkakagusto si Bryce. "sabi ni Elise saka tinuloy diligan ang tulip. "'Yang babaeng iyan. Napakaganda, sexy, mayaman ,sikat at edukada lamang ang nagugustuhan ni Bryce na bagay naman sakanya. "dagdag pa nito.

Pero pagkasabi nun, kumirot ang parte ng puso ko. Hindi naman ako natamaan sa sinabi nito pero parang may part na ayaw kong tanggapin na may mahal na iba si Bryce. Ewan ko ba! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Di kaya'y nagkakagusto na ako sa kanya? Pero erase. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Tinutulungan niya lang kami at sinusuklian lang namin ni Elise iyon.

Sa kabila nang malalim na pag iisip ko, biglang silang pumasok.

"Oh Ela,Elise siya nga pala si Eunice, girlfriend ko. "pakilala niya saakin kaya halos mapako ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Marahil ay napaniwala ako ni Bryce na mahalaga ako sa kanya. Pero teka, mahalaga lang ang sinabi niya. Wala naman siyang sinabing mahal niya ako o ano.

"Hi"nakangiting bati nang magandang babae ngunit halata sa kanya ang pagkamataray. Peke siyang ngumiti at nagbeso sakin ganun din kay Elise. Pero nakita ko namang parang nandiri pa siya pagkatapos.

Hindi ko na lamang pinansin iyon. Kailangan di ako mag paapekto. Kailangan di ako magpahalata na nasasaktan ako.

Oo aaminin ako. Napamahal na nga siguro ako kay Bryce kaya siguro nagkakaganito ako ngayon.

"Mm gusto niyo ba ng miryenda? Ipaghahanda ko kayo. "nakangiti kong alok. Tumango naman si Bryce at ngumiti sakin sabay hawak sa balikat ko.

"Paghanda mo kami nang pinaka special recipe nating tatlo. "sabi nito. Tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

Tila bang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.

"Oo sige. Maghintay lang kayo nang 15-20 mins. "sabi ko at iniwan sila.

Habang nagluluto ako, si Elise ay nakikiclose dun sa Babae. Halata naman kay Eunice na plastik siya e. Gusto ko sanang bigyan ng lason ang inumin niya kaso baka malaman nila na ako ang may kagagawan kaya 'wag na.

Tss naiinis lang talaga ako. Bakit kaya hindi nalang ako ang niligawan ni Bryce?

Ang Prosti GirlWhere stories live. Discover now