Kabanata 10

561 15 0
                                    

Elise Pov

"Where is Ela? "halos mag hiysterical na si Bryce ng malaman niyang wala si Ela.

"Well, nasan nga ba ang Ela noon?Kahapon pa namatay ang Ela noon, Bryce. Heto na si Sidney Castro ang dating Ela. "pagkasabi ko nun ay automatikong umikot ang tingin ni Bryce at halos mapatulala sa bagong Ela ngayon.

Napakaganda niya, kanina pa kaming umaga umalis at iniwan siya sa mall. At ngayon palang siya bumalik. Grabe mukha na siyang koreana ngayon.Napakadiyosa na. Kaya di mo akalain na siya si Ela noon.

Napagdesisyunan niyang palitan ang pangalan niya.Hindi sa birth certificate .Tawag, sooner or later mapapalitan din iyon.

"Hi Bryce. "

"Wow!Ikaw nga ba si Ela? "

"Yup. I am. Why? di mo na ba ako nakikilala? "

"Yes haha. By the way, you look stunning. "

"Yes. And starting today, i am the New Ela. Sidney Castro "nakipag shake hands pa ito. Okay op na ako. Pero okay lang, at least nagawang magbagong anyo nang kaibigan ko. Wala na akong nakikitang emosyon sakanya ngayon kahit ano wala. Ang sabi kasi niya sakin, sa pagbabagong anyo niya, tatanggalin na niya sa isip niya na hindi na niya mahal si Bryce.

"Okay. Nakakapanibago. Hehe marunong ka palang mag english. "

"Of course.Hindi lang puro sex ang alam ko. I know how to speak English. By the way, kalimutan nalang siguro natin ang isa't isa. Ibabalik ko sayo in cash lahat lahat nang natulong mo sakin,just give me a 1yr.
Mababayaran ko lahat nang iyon."

Napangisi ako. Finally, talagang nagbago na siya at walang sakit na kinausap ang taong mahal niya na hindi siya mahal.

"Ah no need. At hindi na kailangang kalimutan natin ang isa't isa. "

"No. Kalimutan na natin ang isa't isa. "sabi ni Ela.

"Okay sige. Ikaw ang bahala. "

"Salamat Bryce. Salamat at kahit konting panahon nakasama kita. Aaminin ko sayo, minahal kita pero di ako yung tipo mo kaya, it's time to move on. Wala na akong Bryce na kilala. Wala na akong Bryce na minahal ko. Basta you give me a 1yr para mabayaran lahat sayo. "sabi nito at linisan na ang mansion saka na ako sumunod.

"Pasensiya na Bryce. Sinaktan mo siya kaya panahon na niya para kalimutan ka. "
tungangang iniwan ko si Bryce doon.

Ang importante, naka move on na si Ela este Sidney.

Pagsakay ng taxi saka siya humikbi.

"Kakayanin ko 'to. Ang sakit pala. Ang hirap hirap na mag panggap na ayos na ako.Pero hindi pa! Akala mo lang yun Elise. Ang hirap. Mahal ko pa rin siya! "

"Tahan na. "wala na akong magagawa kundi  patigilin siya sa pag iyak.

"OH inom lang ng tubig. "binigay ko sakanya ang isang basong tubig. Maga na ang mata niya at pulang pula ang ilong. Nagkalat na rin ang make up niya.

"Bakit ganun? Kahit anong gawin ko sa sarili ko o magpanggap na ayos na ako  na wala na akong nararamdaman mahal ko pa rin siya! "hikbi hikbi pa siya. Binitawan niya ang baso sa lamesa at tumayo. Paikot ikot na lakad ang ginawa niya tapos uupo. Ganyan lang siya. Lumipas ang isang oras ganun pa din. Ako nahihilo na sakanya siya pa kaya?

"Anong plano mo now? "

"Ewan ko Elise! Hindi ko alam! "sabi niya ng umiiyak pa.

*Uwa uwa uwa*iyak ni baby Apple kaya pinuntahan ko muna siya at kinarga.

"Siguro.. maghahanap muna ako nang trabaho. Nakakahiya naman kay Bryce. "

"Sige ikaw bahala. Basta ako... support nalang sayo. Kaya mo yan. "nakangiting sabi ko.

"Paano kaya kung mag aral ako? "biglang palatak niya.

"Oo nga! Mas magandang ideya yan. "

"Kakayanin ko. Basta kahit educational  lang ayos na ako. At least mapapalaki ko ang anak ko at mababayaran ko na lahat lahat kay Bryce pag nagkataon. "sabi niya at ngumiti.

Ang Prosti GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora