Kabanata 15

404 10 4
                                    

"Gising na Sidney! "napabangon ako bigla ng marinig ko ang boses na yun.

"Bakit Elise anong problema? "hindi pa totally dilat ang mata ko, kinusot kusot ko iyon at saka na nag unat. Para magising ang pagkatao ko.

"Si Bryce nandon sa labas! Ayieeh grabe. Ang dami niyang dala. "sabi nito na mukhang mas kinikilig pa sakin.

Umirap ako. "Talagang ikaw pa ang mas kinikilig sakin no? "sabi ko sakanya ng naka taas ang kilay.

"Osya tara na tama na ang taray tarayan diyan! Gora na! Mag ayos etcc bahala kana sa buhay mo! "sabi niya sakin.

"Hoy hoy! Nasaan pala si Apple? "tanong ko sakanya.

"Hm, natutulog na sa kabila. Ako'y gogora din. "

Umismid lang si ako saka na nag ayos. Bago bumaba, naglagay muna ako ng kaunting pabango para fresh  pag kaharap ko si Bryce. Pagbaba ng hagdan, nakita ko siya na nakaupo sa sala at naghihintay. Umiinom ito ng kape malamang ay pinagtimpla ni Elise.

"Bryce? "tawag ko.Ngumiti ito saka lumapit saakin, hinalikan sa pisngi.

"Para sayo mga yan. "turo niya sa maraming tsokolate at iba pang mga pagkain. Meron din pumpon ng tulips na mukhang mamahalin at fresh.

"Naku. Nag abala kapa. "sabi ko at umupo. "Pero salamat ha? ". Medyo awkward  ang pakiramdam. Hindi ako sanay. Para bang teenager pa ako sa lagay na ito.

Kainis. Ayoko ng ganito. "Your blushing  babe. "sabi nito kumindat.

"Ano ka ba! Baka, ano lang yan... Oo! Tama. Blush on lang yan. Nag...naglagay ako kanina bago ako bumaba. "

"You don't  need to deny it okay? By the way, kailan mo balak lumipat ng bahay? I Have properties  .Mana  ko yun sa lola ko. Doon tayo sa probinsya. Maganda Tumira doon. Hindi ka naman mahihirapan kumuha ng trabaho. Besides, mataas ang sweldo. Maganda pa ang repustasyon.Walang mga samut saring tao."sabi nito.

"Bryce. Hindi pa Kita sinasagot. "tawa tawang sambit ko. Sa totoo lang, gusto ko na siyang sagutin. Pero, nakucute-an lang ako sakanya kaya ganyan na papahirapan ko pa siya. Wala naman mawawala kung magpapahard- to- get ako.Isa pa, alam ko naman akin lang si Bryce. May pinag aralan ako, na hindi na dapat ikinakahiya.

"Babe. Scratch  it! Kuha na kita! Kuhang kuha. Ngayon na ang monthsary natin okay? Wala ka nang magagawa doon."sabi niya saakin at hinalikan.

Heto nanaman po. Wala akong magawa. Kundi, sumagot sa mga halik niyang mapusok. Hindi ko alam kung anong sayang mararamdaman ko. May kung ano ding kuryenteng bumabalot saaking buong sistema.

Nag init na din ang aking pakiramdam. Senyales na madala ako at bumigay nanaman.

Unti unti niyang tinanggal ang saplot namin sa katawan. Soon, our bodies join together. Wala na sigurong mas sasarap pa. Isa iyong sa tinatawag na. "Heaven "


After five years.

"OH.. pangiti ngiti ang baby ko ha? "sabi ko at hinalikan sa pisngi ang anak ko. Si Apple. Kakagaling lang nito sa school, sinundo ni Bryce.

"Hello my beautiful  wife. "nakingiting bati ni Bryce.

"Osya, tara na at maghapunan muna tayo. "aya ko sakanila .Naka ready na iyon, kanina pang naiinip ako sa kakahintay sakanila.

"Si baby  Genus nasaan na ang baby boy ko na yon? "linga linga pa si Bryce.

"You don't  need to ask. As usual nagpalakad lakad nanaman 'yon."

"Halikang bata ka nakuu! Ang kulit nito. "kunwari pinapalo ni Elise, Blooming si Elise dahil inlove. Pero nalulukot ang mukha pagdating sa malikot na Genus. Ang anak namin, mag aapat na taon. Si, Apple naman mag aanim na taon na sa susunod na buwan.

Ganito na ang buhay namin, masaya. Para bang wala nang problema. Hindi ko akalain na may lalaki pa palang makakatanggap sa  pagkatao ko.

Noon, akala ko nung nabuntis ako, akala ko masisira na ang buhay ko..Kaya ko pinasok ang pagiging prosti sa bar. Kahit na alam kong pandidirian ako ng mga tao. Kaya kong ibenta ang sarili ko basta mabuhay lang kami. Basta matupad ang pangako  ko kay Irish na mapagamot ko ang mata Niya. Ngunit sa isang sunog, naglaho lahat ng pangarap niya.

Niligtas niya din ang buhay ng anak ko. Ang nag iisang pamilya ko. Hangga sa nakilala ko si Bryce. Nagkaroon kami ng problema pero, nagkaayos din. At nagkataon na pinagtagpo kami dahil siya ang tunay na ama ng anak ko.

Ngayon, sama sama kaming namumuhay ng masaya. Kasama ko din si Elise, ang kaibigan ko. Hindi ako iniwan sa hirap at ginhawa. Kaya wala na akong hihilingin pa ngayon.

Sana masaya na si Irish sa taas. At ang mga magulang ko.

End...

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 22, 2019 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Ang Prosti GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora