Introduction

4.7K 82 0
                                    

Francesca's POV

Another normal day for me! Hello ako nga pala si Francesca Janna Cruz or Franz nalang for short, 18yrs old. Isa akong estudyante sa maga, raketista pag walang pasok. Dahil wala akong class today, hinihintay ko ngayon yung kasama kong raraket. Kung tatanungin niyo bakit ganito buhay ko. Ayun iisa akong anak. Namatay si Mama when I was 15 yrs old. Namatay siya sa Cancer. Fuck that cancer, so ayun pinag-aral ako ng tatay ko sa Charleston University kung saan pagkamahal mahal ng tuition pero simula nung sumakabilang bahay na siya. Wala ng binigay ni singkong duling, well okay na din kasi may condo namang nabili sa akin bago siya sumakabilang bahay pero sa gastusin ako na nga talaga may sagot, hay ang sad.

"Franz! Tara na!" Hay nako buti andyan na si Liza.

"Grabe antagal mo. So anong raket natin ngayon?" Sabi ko kay liza.

"Basta tara na! Baka malate tayo kaltasan pa yung TF natin!" Aba may pa Talent fee effect pa 'tong babaeng na ito.

*fast forward*

Ito ako ngayon sa elementary school kung saan nakasuot ako ng gulay na patatas at sumasayaw dahil nutrition month. KAHIT KAILAN TALAGANG LIZA NA YAN!

"Liza sa daming raket ito pa talaga napili mo!" Mahina at nakangiting sabi ko kay liza. Para professional pa din tignan.

"Tiisin mo nalang bes malaki din bayad dito. Saka galingan mo pa kumembot. Dapat masiglang patatas ka." Sabi ni Liza sa akin. Grabe para sa raket gagawin ko 'to. Onting tiis franz. Onting giling giling.

*a moment later*

Hay salamat natapos na din ang role kong patatas. Grabe ang hirap din pala iportray ang buhay ng patatas.

"Franz oh eto yung TF mo. Sabi sayo eh, malaki laki din 'to. Saka nga pala may nakausap ko yung principal ng school. May kakilala daw ba akong tutor, inirecommend na kita tutal matalino ka naman." Sabi ni Liza. Yessss. Another raket.

"Enebe kese nemen. Hahaha charot. Sige kailan ba mag uumpisa at saan ba?" Sabi ko at inabot niya ang address kung saan ang bahay ng tuturuan kong bata.

She's a Bad AssOù les histoires vivent. Découvrez maintenant