K ❤

718 21 5
                                    

Franz POV

Nagising ako wala na si Quinn sa tabi ko. Tinignan ko phone ko para tignan anong oras na, sakto ding nagtext din siya.

Unggoy 🐒

Hey hindi na kita ginising dahil sarap ng tulog mo naglalaway ka pa, nagprepare na rin pala ako ng Dinner sunduin kita bukas! Good evening!

Aba ang bait ah. Himala yata 'to kay Quinn, and guess what? Oo wala akong load pang reply. Habang patayo ako sa kinahihigaan ko, nag-ring ulit yung phone ko kaya tinignan ko.

K

Hello! Miss na kita. Punta ako diyan.

Luh wait. Hindi ako prepared. Pupunta si Kaitlyn 'di ako prepared. Huhuhu tangina. Agad agad akong nag-ayos ng sarili para sa pag punta niya dito at hindi muna ako kumain. Magshashare nalang kami mamaya sa luto ni Quinn.

Nakagayak na ako at pababa muna sa lobby sakto pagbukas ng elevator bumungad sa akin si Kaitlyn

"Woy! Namiss kita!!!!" Sabi ni Kaitlyn sabay yakap sa akin ng napakahigpit.

"Wow. Parang 'di tayo nagkita ahh" sabi ko sa kanya at yumakap din ng mahigpit. Grabe miss na miss ko din pala siya.

"Kaya nga. Last time I saw you kasi you're so god damn drunk. Tara sa unit ni Quinn?" Sabi niya at parang nalungkot siya sa sinabi niya.

Nakita niya pala akong nakainom nakakahiya.

"Jusko!! Parang awa mo na. Sawang sawa na ako sa Unit nyan nuong araw na akong andyan, tara naman sa ibang lugar!!!" Sabi ko sa kanya. May point naman ako 'di ba?

"Okay if you say so, Tara may pupuntahan tayo." Sabi nya at sumunod ako sa kotse nya.

Andito na kami sa lugar na pinuntahan namin. 5 minutes drive lang galing sa condo ni Quinn.

"Ano to?!! Bakit condominium na naman?!!!" Oo, nilipat nga nya ako ng lugar pero sa condo pa rin ang bagsak.

"Hehehe, I thought ayaw mo sa condo nya kaya pinunta nalang kita sa comdo ko." Sabi ni Kaitlyn sabay kamot ng ulo nya.

"Seriously?! Ay ewan ko sa inyo. Magbabarkada nga talaga kayo, tara nalang somewhere na tahimik dito like park, nanggigil ako sa inyo. Magaganda nga kayo at cool kaso mga literal naman!!!" Sabi ko sa kanya habang naka palm face. Nasstress ako talaga

"Hahahahahaha oo na!" Sabi niya.

Papunta na kami ngayon sa park dito sa condominium nya.

"Ahm ano, tungkol sa ginawa ko hindi ko alam yung nangyari nung gabing yun. Ano ba nangyari??" Sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin.

"Hindi na importante yun. Can I say something?" Sabi niya at seryoso mukha niya sabay hawak sa dalawang kamay ko at harap sa akin.

"Oo naman! Nakakatense ka ha. Teka maupo muna tayo. Kasi nakakangawit na din" Sabi ko. Huminga siya ng malalim. Grabe nakakakaba naman 'to.

She's a Bad AssWhere stories live. Discover now