I Really hate her

1.4K 49 1
                                    

Franz's POV

Nasa room na ako ngayon. Grabe ngayon lang tumagal ang araw ng klase sa akin. Sayang ang kahapon. Sayang ang raket, sayang lahat!!! I promise I really hate her!!

"O anong nangyari sa pakikipagkita mo kahapon?" Sabi ni KC. Kung alam mo lang talaga.

"Ayun, pinagtripan nila ako at hindi na sila nakakatuwa actually." Sabi ko.

"Halla bakit anong nangyari?!" Sabi ni Liza.

"Kinidnap prank nila ako, tangina nila!! Pinagtripan nila ako. Umiyak na ako ng dugo kakapilit itira ang 50, nagdasal dasal na ako ng ama namin at kakapaalam sa mundong ibabaw, prank lang pala!" Sabi ko gigil na gigil talaga ako sa kaniya pero yung dalawa 'to hindi ko maipinta ang mga mukha nila para silang natatawa na naaawa aa sinabi ko.

"Bes we think you need to go sa mental." Sabi ni KC. Ano ako baliw?!

"Bes. Alam mong mahal na mahal ka namin pero sinong matinong tao gagawa nun pag nakidnap siya?" Sabi ni Liza at tawa sila ng tawa. Anong nakakatawa?

"SERYOSO AKO DUN!! ANO BAAAA!!!!" Sabi ko at mas tumawa sila lalo.

"EWAN KO SA INYO!" At pinat ni KC balikat ko at si Liza sinusuklay buhok ko.

"Okay lang yan. Mahal na mahal ka namin kahit abnormal ka talaga at kinulang ka sa gatas ng ina nung bata ka." Sabi ni KC.

"Oo nga bes. Andito lang kami kahit sinto sinto ka talaga at hindi pa develop ang utak mo." Sabi ni Liza at niyakap nila ako habang nag-iiyak iyakan sila.

She's a Bad AssWhere stories live. Discover now