I'm a Science tutor

2.1K 68 1
                                    

Franz's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay ng batang tuturuan ko. Grabe sana hindi inglesera 'yung bata. Kung hindi maloloka talaga ako. Wait, ito na nga yung address, napakalaki naman ng bahay na 'to, napakaganda mapapanganga ka na lang talaga.

*clicks the doorbell*

"Sino po sila at sinong kailangan niya?" Tanong ng tao sa loob nila.

"Ahmm. Ako po yung Tutor ni Kesha Walson." Sagot ko. Grabe napakaganda talaga ng bahay na 'to.

"Ayy pasok ka na. Andiyan na si Kesha. Kanina ka pa niya hinihintay." Pinapasok na ako sa loob. Wow! Sobrang ganda naman dito. Hindi ko inexpect sa ganitong bahay at ganito kayaman tuturuan ko.

"Baby kesha. Andito na yung Tutor mo." Sabi ng kasama ko. Ba't asaan kaya yung nanay at tatay ng batang 'to?

"Hey! What took you so long? I've been waiting here almost an hour. Here are the list of my lessons in my subjects." Ayy taray naman ng batang 'to. Tsk.

"Okay baby. Let's start na?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Opo. Tara na ate." Sabi niya sa akin. At ngiti ng sobra. Aww ang cute naman this bb girl. Hindi naman pala siya mataray talaga, so tinignan ko kung saang lesson na sila. Madali lang pala eh, kaso baka mahirapan ako magturo.

"Baby sa three states of matter. The three states of matter are the three distinct physical forms that matter can take in most environments and it is the--" Naputol yung sasabihin ko nang sumingit siya.

"Solid, liquid and gas. A solid's particles are packed closely together. The forces between the particles are strong enough that the particles cannot move freely; they can only vibrate, a solid can transform into a liquid through melting and a solid can also change directly into a gas through a process called sublimation." Sabi ni Kesha. Puta. Insert song *nilunok kong lahat ang mga sinabi ko* tangina talaga. Nabilib ako.

"A liquid is a fluid that conforms to the shape of its container but that retains a nearly constant volume independent of pressure. A liquid can be converted to a gas through heating at constant pressure to the substance's boiling point or through reduction of pressure at constant temperature and liquid can turn to solid through freezing." Sinabi niya ulit at napanganga nalang ako sa batang 'to sa sobrang talino.

"Wait. Wait!! Marunong ka naman pala eh. Bakit naghahanap pa ng tutor?" Sabi ko kay Kesha bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.

"Nothing, gusto ko lang mapansin ng mga tao dito. Masyado kasi silang busy eh." Sabi niya. Niyakap ko siya  at niyakap din niya ako, mostly talaga sa mayayaman ito ang problema nila.

"Nasaan ba sila mommy and daddy mo?" Tanong ko kay Kesha.

"Busy sila sa work. Si Ate at Kuya naman busy sa studies nila. Ako lang laging naiiwan dito sa bahay at gabi nalang sila dumadating, sabay sabay kami kakain ng dinner magkekwentuhan and matutulog na din. Syempre kulang yung time na yun para sa akin." Ang bata palang nito pero garabe na yung hugot sa buhay.

"Baby bakit pati studies mo lolokohin mo? Eh magaling ka naman pala sa school eh." Tanong ko sakanya. Kumandong naman siya sa akin.

"Syempre para mapansin ako. Pero ito naghanap lang ng Tutor. Ate can you sleep nalang dito sa amin? Tabi tayo please?" Sayang yung raket ko pero sige na nga para may makasama naman 'tong batang ito.

"Sige baby. Pero okay lang ba sa mga tao dito na matulog ako katabi mo?" Tanong ko sa kanya. Wala akong damit na dala huhu paano na?

"Yes. Actually bago umalis sila Mommy natanong ko na at pumayag naman siya." Sabi niya. Hay bahaka na itetext ko nalang yung raket kong susunod.

She's a Bad AssWhere stories live. Discover now