Sabotage

1.4K 53 2
                                    

Quinn's POV

Andito na kami ngayon sa kotse at si Kez ang nagdadrive, yung takot na takot na.

"Ibigay mo lahat ng meron ka!" Sabi ko pero nilalaliman ko ang boses ko. Tinanggal ko din yung nakalagay sa bibig niya para makapag-salita siya.

"Wala po. Wala po akong pera, huhuhu." Sabi niya, tawang tawa ako pero pinipigil ko.

"Ayaw mo?! Ibigay mo nalang sarili mo!!!" Sabi ni Kez. Pigil na pigil na yung tawa naming dalawa.

"Ayaw ko po. Virgin po ako. Mahal ko po pagkababae ko. May 150 po pala ako dito yun nalang kuhanin niyo. Pakawalan niyo na ako!!!!"  Tangina, Laugh trip.

"Akin na 150 mo. Ibigay mooo!!!!" Sabi ko, pigil na pigil na tawa ko.

"Paano ko makukuha, iginapos niyo ako!" Sabi niya. Aba aba.

"SUMASAGOT KA PA? GUSTO MO MAWALA YUNG INIINGATAN MO?" Sabi ni Kez, ano ba yan hindi niya pa nahahalata na hindi talaga kami kidnappers.

"Huhuhuhu, kuhanin niyo nalang po sa bulsa ko. Pwede wag niyo kuhanin 50 ko para may pamasahe ako pauwi? Huhu maawa kayo. Pulubi lang ako huhuhu." Sabi niya. Tangina paano kung nakidnap nga ito. Ganito ang sasabihin niya sa kidnappers?

"Aba! Humirit ka pa. Yan na nga lang pera mo!!!" Sabi ko. Sabay kuha ng pera sa bulsa niya para makatotohanan at maniwala pa din siya.

"50 lang naman huhuhu. Mga madadamot!!" Sabi niya. Hay kung kidnapper lang ako, pinatay at hinagis ko nalang ito sa ilog.

She's a Bad AssWhere stories live. Discover now