Who are you?

1K 51 0
                                    

Franz's POV

Isang normal na araw na naman para sa akin, hay this is why I hate monday. Monday that's too far from friday and Friday that's so near from monday, oha! English yan. Papunta ako ngayon sa locker kung saan ako normal na nangunguha ng libro at notebook, ng may nalaglag sa locker na sulat, so pinulot ko.

Hello Crush! Get ready to be mine.

- K.

Ayan ang nakalagay sa notes na nalaglag at may chocolates sa locker ko. Halla? Namali yata sila ng pinaglagyan ng locker. Pumunta ako sa tambayan namin nila Liza at KC par ipakita sa kanila.

"Huy may alam ba kayo dito?" Sabay abot sa kanila ng note.

"Ay wala akong alam diyan." Sabi ni KC.

"Aheem! Si Franz may admirer!! Ganda!" Sabi ni Liza sabay himas ng buhok.

"Baklang 'to! Alagaan ang buhok ni Franz!" Sabi ni KC.

"Uy! Seryoso nga kasi." Sabi ko sa kanila.

"Hay wala kaming alam!" Sabi ni Liza sabay tango ni KC so pumasok na kami sa room para sa susunod na subject namin. Habang nagkaclass si ma'am may nagexcuse sa akin, at pumunta naman ako sa pinto tapos binigyan ako ng bouquet of roses na blue at letter sa card na nakalagay,

You deserve this Franz.

-K

Oo yan. Nakakacurious na talaga si K! Nagtilian mga kaklase ko at si ma'am, lalo naman na yung dalawa na halos mahimatay na.

"Madidiligan na!!!" Sabi ni KC, tumawa mga kaklase ko.

"Uyyy guys, ma'am! Yung buhok baka matapakan niyo!" Sabi ni Liza.

"Class, go back to your seats! Tapos na ang kaguluhang ito, may nanalo na!" Sabi ni ma'am. Nagpunta ako sa upuan ko, hindi pa din ako makapaniwala sa hawak ko.

"Sino kayang bulag este mysterious person ang nagbigay niyan?" Sabi ni Liza.

"We're so happy for you!" Sabi ni KC at niyakap niya ako. Pero ako nakatingin pa din sa bulaklak, still hindi ako makapaniwala. Hanggang sa natapos ang class na iniisip ko pa din kung sino yung nagbibigay sa akin.

Papunta ako ng makasalubong ko si Kezley.

"Uy usap usapan ka ah! Mayroon ka daw secret admirer! Hahahaha." Sabi ni Kez.

She's a Bad AssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon