What is happening?

921 38 0
                                    

Franz's POV

Andito na ako ngayon sa office ng mall para kitain si Kaitlyn. Pinasundo din niya kasi ako sa driver niya kaya wala na akong nagawa buti nalang din walang utos si Quinn.

Franz! Sorry hindi ako yung sumundo sa'yo." Sabi ni Kaitlyn na patakbi papunta sa akin.

“Okay lang yun! Salamat pinasundo mo ako. Ano saan tayo?” sabi ko kay Kaitlyn

“Where do you want to go ba? Do you want to eat?” Sabi niya.

“Hindi pa. Busog pa ako, kumain din kasi ako kanina, parang gusto ko mag-arcade.” sabi ko. Matagal na din kasi ako hindi nakakapag arcade dahil busy sa nagdaang acads at raket.

Sige tara dun.” sabi ni Kaitlyn at kinuha niya kamay ko. Shet! Ba't ganito?

Andito kami sa arcade at pinaloadan ni Kaitlyn yung card niya para sa paglaro namin.

“Shet! Andito pa din yung malaking bear. Kaso 25,000 ticket pa din siya huhuhu” sabi ko sa sarili ko habang tinitigan yung Ash Gray na Teddy bear lagi ko itong tinitignan pag dumadaan ako sa mall, Ang ganda kasi talaga.

“Tara na mag-laro?” sabi ni Kaitlyn.

Nag-punta kami sa Machine na may bumabagsak na bola at kung saan pumasok bola na may number yun yung ticket na makukuha.

“Bakit dito tayo?” tanong ko sa kaniya at ngumiti siya.

Kukunin natin yung bear na gusto mo.” sabi niya at sabay kindat sa akin.

Tinitignan ko siya na seryoso na naglalaro. Ang effort naman nitong babaeng ito, nakakainis.

“Hehe. Pasensya na matatagalan yata tayo dito. Pero dahil gusto mo kukuhanin natin yan” sabi niya at ngumiti ako. Habang naglalaro siya nakatingin lang ako ng biglang may kumanta sa videoke.

Saying I love you it's not the word I want to hear from you,
It's not that I want you,
Not to say but if you only knew..

Shet! Ba't naman may ganyanang kanta habang nakatitig ako sa kaniya? Huhu.

“tara naman sa iba.” sabi ni Kaitlyn at bigla akong natauhan, tumango nalang ako.

She's a Bad AssWhere stories live. Discover now