Chapter 2: Just Another Normal Day

358 9 13
                                    

Thank you sa mga readers kong bumoto at nag-add ng libro na to sa libary nila. Susubukan kong magupdate every weekdays kasi gusto ko na din maging active sa wattpad. Nakakamiss lang yung mga panahon na nakakpagupdate ako agad. 

Guys, sana wag kayong magsawang suportahan itong libro sobrang special nito sa akin. Dito ko mailalabas yung pagkafangirl ko sa mga banda (from opm bands up to present which is One Ok Rock - a japanese rock band) 

Sana magustuhan niyo.

---------------------------------------

A Night with The Front Man

Chapter 2: Just Another Normal Day

Song for this chapter: Change by One Ok Rock

Written by: ilovemitchietorres

---------------------------------------

KRIS-ZEL

"Hay nakakapagod na talaga."

"Gusto mo bang magpahinga muna tayo?"

"As if naman pwede eh baka masampal tayo ni ma'am kapag kukupad-kulad tayo."

Nangiti na lang ako sa sinabi ni Jessie.

Inutusan kami ng professor namin na ilipat tong mga school materials mula sa faculty papunta don sa room kung saan kami magklaklase ngayon.

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Wala tayong choice like duh?"

"Tara na."

Nanuna na akong maglakad sa kanya.

Bitbit ko yung isang malaking box na may kung anu-anong tape na laman sa loob. For sure manunuod na naman kami ng mga film nito at ito yung isa sa paborito kong gawin.

Ng mapansin kong hindi nakasunod si Jessie sa akin nilingon ko agad siya.

Ayun siya nakatayo at merong sinisilip.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Jess... Uy."

"..."

"Pssst! Jessie!"

"Shhh!!"

Sinaway niya pa ako at naghand gesture na tumahimik ako.

Napahinto ako agad ng dahil don.

Teka, ano bang sinisilip niya don?

Bumalik ako kung saan siya nakatayo para tignan kung ano bang tinitignan niya...

Well hindi pala bagay kundi tao.

"Akala ko ba nagmamadali tayo---"

"Wait lang girl. May titignan lang tayo dito."

"Hala sinama mo pa ako diyan."

"Quiet ka lang diyan okay."

Nasisilaw na ako sa sikat ng araw.

Jusko, tirik na tirik andito kaming dalawa nakatayo habang tinitignan yung mga basketball player na nagprapractice sa open court.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Tara na."

"Wait lang...."

"Jessie."

Ngumuso siya sa akin.

"Ito naman kasi eh saglit lang."

"Eh kanina mo pa siya sinisilip diyan manuno ka."

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now