Chapter 12: Start Again

194 8 1
                                    


A Night with The Front Man

Chapter 12: Start Again

by: ilovemitchietorres

Song for this chapter:

Start Again by One Ok Rock

Never Let This Go by One Ok Rock

---------------------------------------------------

---------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TAKA

"Ahhh sorry!" Sigaw ni Yuta na dahilan para tumigil ang lahat.

Inialis ko ang tingin ko sa screen ng cellphone ko para tignan sila.

Nakatayo ako kaharap nilang tatlo kaya kitang-kita ko ang mga reaction nila.

Si Regie napabuntong hininga sabay gulo ng buhok niya.

Mukha na siyang ermetanyong dugyot.

Si Tristan naman mukhang di na natutuwa dahil kanina pa may nagkakamali.

Nakatapos kami ng isang matinong kanta isang beses lang samantalang magdadalawang oras na kami dito.

Di na ako magtataka kung sesermunan na naman kami ng tatay namin.

Si Yuta ngingiti-ngiti.

Kupal din ang isang ito ayaw magtino.

"Gutom na ako mga brad." Naupo si Regie habang kandong yung gitara niya.

"Ako din gutom na..." Sabi ni Yuta.

Tinignan ako ng dalawa na para bang nagsasabing magsalita rin ako.

Tinaasan ko sila ng kilay.

Sumisenyas si Regie na nagugutom na talaga siya. Gusto niyang magbreak muna kaming apat.

Aba, wala sa akin ang desisyon kundi nasa leader namin na ngayon di maipinta ang mukha.

Badtrip na ata sa amin.

Mukhang mamumuti muna ang mata namin bago kami makapagpahinga kakapractice dito.

Madaling araw na.

Ganito madalas ang oras ng band practice namin dahil napakababa ng bayad sa pagupa nitong studio kung ikukumpara kapag umaga. Kahit ilang oras pa kaming tumambay dito ayos lang dahil sino ba naman ang magprapractice ng ganitong oras diba?

Sinusulit na namin yung pagkakataon na magamit tong studio na ito dahil kung sa iba to malamang parehas lang ang rate ng bayad mapaumaga yan o madaling araw.

Nagkibitbalikat na lang ako.

Panay pa din ang senyas ni Regie sa akin at ngayon nakisali na si Yuta.

Pagbubuhulin ko talaga ang dalawang to.

"Isang pasada pa." Mga salitang sinabi ni Tristan.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon