Chapter 11: Push Back

154 9 0
                                    

A Night with The Front Man

Chapter 11

Song for this chapter:

Push Back by One Ok Rock

We Are (Acoustic Version) by One Ok Rock

--------------

JESSIE

Nagscroll ako sa news feed ko sa facebook. Puro mga breakups at kung anu-anong bitterness stuff ang nakikita ko. Minsan talaga mas maganda ng wag na lang magsocial media ang toxic na kasi talaga ng mga nakikita sa internet.

Manunuod na lang ako ng K-Drama yung favorite ko yung "Scarlet Heart" kahit na ilang beses ko ng pinaulit-ulit hindi pa din ako makamove on sa ending.

Hanggang ngayon umaasa pa din akong magkakaroon ng Season 2.

Pipindutin ko pa lang sana yung play button ng may message akong nareceived.

Woah.

Lumitaw sa notification ko yung pangalan ng taong di ko inaasahan.

GGSS

Nagtext lang naman sa akin yung taong hindi ko inaasahan na magpaparamdam.

Teka kailan ba yung huli ko siyang nakausap sa text?

Hmm...

Tama yung mga panahon na kinukulit ko siyang makipagkita sa akin para kausapin ko siya sa nangyare sa usapan nila Taka at Kris.

Pinakiusapan na din kasi ako ni Kris na putulin na kung ano mang communication meron sa Clock Strikes kaya simula nung araw na yon di ko na din tinext si Tristan.

Wala naman na din kasi akong sasabibin sa kanya at wala na rin akong kailangan pa.

"Anong kailangan ng isang to?" Tanong ko sa sarili ko.

Binasa ko agad yung text niya sa akin.

From: GGSS

Libre ka ba mamayang hapon?

Napataas kilay ko sa nabasa kong text message.

"Anong paandar to?"

Nagisip ako ng posibleng dahilan kung bakit bigla na siyang nagparamdam.

I mean dati kasi baliktad ang set-up. Ako ang nagiinsist sa usapan na makipagkita o di kaya mangulit sa kanya.

Bukod kasi kay Taka siya lang naman ang contact ko sa banda na yon.

Itong si Taka ang suplado at ang kapal ng face. Well binlock niya lang naman ang number ko.

Kakagigil e.

Nagdadalawang isip ako kung rereplyan ko ba yung text niya o hindi.

To:GGSS

Bakit anong kailan mo sakin?

SEND.

Ilang segundo lang nakatanggap ako ulit ng text. Aba mukhang di busy ang loko-loko.

From: GGSS

May sasabihin lang ako sayo.

"Ano?" Tanong ko.

Anong sasabihin niya sa akin?

Nacurious naman ako don.

To:GGSS

Ano?

From: GGSS

Mamaya sasabihin ko sayo. Magkita tayo mamaya.

"Hala siya demanding pa..." Nasabi ko at nagppindot ako sa screen ng phone ko para magreply ulit.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon