Chapter 14: Suitor

119 6 2
                                    


A Night with The Front Man

Chapter 14

by ilovemitchietorres

-------------------------------

JESSIE

"Ma yung baon ko po?"

"Andyan na nak sa lamesa."

"Ma yung paper bag asan na po?"

"Anong paper bag?"

"Yung may lamang mga papel... Gagamitin ko yun mamaya. Di ko makita kanina pa ako naghahanap?"

"Saan mo na naman ba nilagay bata ka?"

"Dito lang yun ma."

"Kung andyan mo lang yan nilagay e di andyan lang din yan."

Malalate na ako tapos di ko pa mahanap yung dadalhin ko. Nakakatress na umang-umaga. Nahihilo nandin ako dahil kanina pa ako paikot-ikot sa sala.

"Oh ito... Nakita ko sa kwarto mo." Sabay abot sa akin ni mama nung paper bag na hinahanap ko.

"Puro kasi bibig ang ginagamit sa paghahanap."

"Ma si papa?"

"Kanina pa sa garahe."

"Kumain na po ba?"

"Nagkape pa lang yun..."

"Ma, aalis na kami e. Malalate na ako."

Maya-maya pumasok si papa na walang damit pangitaas habang hawak yung mug sa kanang kamay.

"Alis na tayo nak?" Tanong agad sa akin.

"Opo."

"O tara na."

"Sumubo ka muna ng kanin dyan nakahain na ako." Sabi naman ni mama.

"Tinapay na lang darling."

Ganito ang set-up sa bahay namin araw-araw. Meron kaming airconditioning shop family business namin. Sa pagkakakwento nila mama at papa wala pa ako sa mundo nung tinayo yun. Doon kami kumukuha halos lahat ng financial needs kasi si mama housewife. Tuwing umaga hinahatid ako ni papa don sa university tapos diretso na siya sa shop namin.

Si mama naman pagkatapos niya maglinis dito sa bahay sumusunod siya agad don sa shop para tulungan si papa magasikaso ng business.

Naupo na ako don sa passenger seat habang nakakandong yung bagpack ko.

Nagopen ako ng facebook para tignan yung ganap sa social media ng mapansin kong may nagadd for friend request.

Tinignan ko agad kung sino.

Nakajapanese yung pangalan.

Hindi ko maintindihan at di ko alam bigkasin.

"Sino to?"

Chineck ko yung profile.

Sa banner niya napansin ko agad yung picture ng gitara which is bass guitar to be exact. Tapos yung profile picture pala lalakeng naninigatilyo na halos puro usok na yung nasa picture kaya di ko agad namukhaan kung sino.

Halaaa...

Si Regie to ha.

Nagscroll ako sa feed niya at doon ko nga naconfirm na siya nga talaga.

A Night with The FrontmanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ