Chapter 16: Spill the Tea

92 5 0
                                    


Napanuod niyo ba yung live stream ng One Ok Rock sa youtube? Napanuod ko yung kahapon One Ok Rock with orchestra and as expected ang ganda ng performances nila. My fangirl heart is so happy!!! That's why may update ako tonight for this book!

A Night with The Front Man

Chapter 16

by: ilovemitchietorres

Song for this chapter:

ONE OK ROCK - Cry out [Official Video from AMBITIONS JAPAN DOME TOUR]

---------------------------------------------

KRIS-ZEL

Iniiisip ko yung nangyare kahapon. Hindi ko inaasahan na magkikita at magaabot agad sila ate Gigi at Taka. Hindi ko akalain na maguusap silang dalawa at higit sa lahat hanggang ngayon dinadigest ko pa din yung pinagusapan nila kagabi.

"Oi, girl ano nga pala sasabihin mo?"

"Jess..."

"May masakit ba sayo?"

Umiling ako.

"Eh ano?"

"Jess... Nakita na ni ate Gigi si Taka."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh my gosh. Really?!!!"

Tumango ako bilang sagot.

Inusad niya ang upuan niya para ilapit sa pwesto ko.

"Halaaaaa.... Anong nangyare?! Anong sabi ni ate Gigi. Anong naging reaksyon niya? Oh gosh si Taka anong sinabi niya?"

Sunod-sunod na tanong ni Jessie dahilan para di ako makasagot dahil hindi ko alam kung paano ako makakasingit magsalita.

Lutang pa din ako sa nangyare hanggang ngayon.

"Ganito kasi yung nangyare...." Inalala ko ulit yung nangyare kagabi ng makarating na kami ni Taka don sa harap ng boarding house.




***

"Paano ba yan hanggang dito na lang ako ulit."

Nakaharap sa akin si Taka ngayon kaya kita ko ang ngiti na binigay niya sa akin.

"Salamat sa paghatid sa akin."

Iniabot niya sa akin yung mga gamit kong bitbit niya ngayon.

"Salamat."

"Makakakota na ako ngayon sa pasasalamat mo ha." Pagbibiro niya sa akin kaya ako napangiti ulit.

Napahawak lang siya sa likod ng ulo niya bago isuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang shorts.

"Sige mauna na ako." Paalam niya sa akin.

"Kris-Zel?"

Napatingin ako don sa taong may familiar na boses na tumawag sa pangalan ko.

Si ate Gigi.

Meron siyang bitbit na plastic na sa tingin ko galing siya sa palengke. Napansin ko agad na tinignan niya ang taong nasa tabi ko ngayon.

Bigla akong kinabahan sa di ko maexplain na dahilan.

Ibinalik niya sa akin ang tingin niya at nabasa ko don ang pagtatanong.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now