Chapter 9: Thinkin' About You

144 9 1
                                    


A Night with The Front Man

Chapter 9: Thinkin' About You

Song for this chapter: Wasted Nights by One Ok Rock

------------------------------------------

TRISTAN

"Takahiro magluto ka naman."

"Oo nga ang tagal na nung huli naming natikman yang luto mo."

"Sige na kahit yung simpleng ulam lang basta ikaw magluluto."

"Sige na pre kahit ngayon lang."

Kanina pa kinukulit nila Yuta at Regie si Taka na magluto ng ulam. Sa totoo lang sa aming apat masarap talagang magluto ang taong yun. Kapag nasa mood siya nagluluto siya ng kung anu-anong putahe isa sa paborito niyang gawin ang magluto bukod sa pagkanta.

Tinanong ko na siya noon kung bakit hindi niya kinuha ang kursong culinary tutal magaling naman siya sa field na to pero ang sagot niya lang sa akin ayaw niya.

Libangan niya lang at hindi ito yung passion niya.

Nakadinig na lang ako ng padabog na sarado ng pinto.

Malakas ang kutob kong si Taka ang nagkulong sa kwarto.

Nakita ko yung dalawa na susundan sa loob si Taka para kulitin ulit.

Humarang na ako sa pinto.

Sumimangot agad si Regie.

"Hayaan niyo na muna siya mga pre mukhang wala sa mood."

"Tsk... Bibili na nga lang ako don sa karinderya nagugutom na ako."

Napakamot na lang si Yuta.

"Tara pre... Bili tayo."

"May pera ka na?"

"Wala pa." Sabay ngiti ni Regie kay Yuta na hindi natuwa sa sinagot nito.

"Sinong magbabayad?"

"Abunuhan mo na muna pre kakain ka din naman e. Sige na nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan."

Napatingin yung dalawa sa akin.

Alam ko na ang dapat na gawin kaya humugot na ako ng pera sa bulsa ko. Halos di ko na makita ang mga mata nila dahil abot tenga ang ngiti ng abutan ko sila ng pera.

"Domo arigato gozaimasu." (Maraming salamat)

"Anong gusto niyong ulam?" Tanong agad ni Regie.

"May letchon kawali ngayon... Crispy pata kaya? Ano sa tingin mo Yuta?"

"Ikaw Tristan anong gusto mo?" Tanong naman sa akin ni Yuta.

"Paalala ko lang mga brad isang daang piso lang yang hawak niyong pera hindi isang libo."

Napakamot ang mga loko.

"Sige na umalis na kayo. Pagkasyahin niyo na yan. Bilhin niyo yung may gulay o di kaya may sabaw. Wag puro prito Regie." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Copy boss."

Sinundan ko ng tingin sila Regie at Yuta na palabas na ng apartment. Naiwan na kaming dalawa ni Taka dito sa bahay.

Kumatok ako ng makailang beses sa pinto bago pumasok.

Nakahilata siya habang nakapikit.

Sa itsura niya ngayon mukhang wala siyang tulog. Halata yung itim sa ilalim ng mga mata niya at wala sa sarili si Taka nitong mga nakaraang araw. Napansin ko na bugnutin siya at gusto parati na mapag-isa.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now