Kabanata 15

1.9K 55 0
                                    

Napakarami kong isinakripisyo para kay Zach, siguro oras na rin upang isipin ko naman ang aking sarili.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" malumanay niyang tanong. Nagpumilit siyang pumasok sa aking kwarto rito sa ospital nang malamang gising na ako.


Tiningnan ko lamang siya, wala akong lakas upang kausapin ito.


"I-im sorry," tahimik siyang umiyak habang hawak ang aking kamay.


Hindi ko alam ngunit 'tila ubos na ang aking luha. Kahit sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayari, wala na akong mailuha.


"P-patawarin mo ako, anak." Hinimas-himas niya ang aking tiyan ngunit agad kong iwinaksi palayo ang kaniyang kamay.

"Stop this drama, Zach. Alam ko namang labis kang nasisiyahan sa mga nangyayari. Magsama kayo ng asawa mo, lubayan niyo na ako."

"K-kezia,"

"Get out! Tama na, Zach! Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na! Ilang taon kitang hinabol at ipinaglaban kahit na alam kong wala akong mapapala sa'yo. Ubos na ubos na ako! Maging ang anak ko nawala sa kabaliwan ko sa'yo! Ayoko na, nakakapagod kang mahalin!" at tuluyan na ngang bumuhos ang aking mga luha, maging siya'y umiiyak pa rin.

"I-i'm sorry, nagkamali ako. Mahal kita, Kezia. Mahal na mahal! Patawarin mo ako kung pinaniwala kitang hindi kita mahal. S-sorry."

"Wala na akong paki-alam sa mga dahilan mo. Umalis ka na." Hindi na ako pwedeng mabulag sa mga sinasabi niya.

"H-hindi ko kayang mawala ka."

"Funny, try harder. You can't fool me anymore, Zach. Please, leave me alone!"

"Zach, umalis ka na muna. Hindi siya pwedeng ma-stress." Wala siyang nagawa nang hilahin siya palabas ni Tyrelle.

"Mahal ko siya pero pagod na ako!" hagulgol ko nang niyakap ako ni Caleb.

"Shhh. Tama na, baka mabinat ka." Tahimik na lamang akong umiyak sa balikat niya.



"Kezia, anak!" patakbong lumapit si Daddy sa gawi ko.

"D-daddy!" binitawan ako ni Caleb upang mayakap ako ni Daddy. Muling bumuhos ang aking mga luha nang hinagod niya ang aking likod.

"Don't worry, nandito na si Daddy."

"S-sorry, Daddy. S-sana nakinig na lang ako sa inyo." Tiningnan ko si Mommy na nakangiti lamang sa gilid.


I'm still lucky dahil kahit hindi siya ang tunay kong Mommy, nanatili pa rin siyang mabait sa akin. Ang tunay kong nanay ay namatay nang ipinanganak niya ako.


"M-mommy," ngumiti ako sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"It's okay, my dear." Pinunasan niya ang aking pisngi.

"Sasama na po ako sa inyo."

"Are you sure about that?" inayos niya ang aking buhok na sumasagabal sa aking mukha.

"Yes, I don't want to be a burden anymore. Besides, laging mali ang aking nagiging desisyon." Napatungo ako nang maalala ang pag-aaway namin ni Daddy.


Nais niya akong sumama na lamang sa kanila sa Korea at doon mag-aral ngunit nagmatigas ako. Ofcourse, masyado pa akong bulag sa pagmamahal ko kay Zach noon.


"Hindi pa namin nakikita 'yang Zach na iyan ngunit batid ko kung gaano mo siya kamahal. Ilang taon mo na rin siyang minamahal, ngayon ka pa ba susuko?" saad ni Mommy habang mariing nakatingin sa akin.

"I was wrong... mali ako na siya ang minahal ko." Umiiling ko pang sagot kaya napatango na lamang sila ni Daddy.


"So, sasama ka na sa amin bukas?" tipid lamang akong ngumiti bilang sagot.


"Pupunta kami ngayon sa school mo upang ayusin ang papers mo. Kami na rin ang bahala sa lahat. All you need to do is to rest." Hinalikan ako ni Daddy sa aking noo. Si Mommy nama'y sa aking pisngi.


Hindi man ako sinuwerte sa lalaking minahal, maswerte pa rin ako sa mga kaibigan at magulang ko.


Sorry, baby. Sana mapatawad mo si Mommy. Hindi ko man lamang nalaman ang presensya mo bago ka nawala. 


Sana nag-ingat ako, sana umiwas na lamang ako kay Heidi. Sana hindi ka nawala. Kaya naman kitang buhayin kahit hindi tayo gusto ng Tatay mo. Sorry, it's my fault.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Where stories live. Discover now