Kabanata 38

1.4K 34 0
                                    

"Moma, Dada!" siglang-sigla si Zake habang nakakandong kay Daddy, nais pa nitong bumaba ngunit hindi siya pinahintulutan.

"Baby," kinuha ko ito kay Daddy.

"I missed you, Moma!" napangiti ako nang hinalikan niya ako sa pisngi.

"Where's mine?" 'tila nagtatampong tanong ni Zach.

"Lapit ka, Dada. Kiss kita!" lumapit si Zach at siya na mismo ang humalik kay Zake.

"Kiss Moma, too!" napatitig ako kay Zach na ang lapad na ng ngisi habang hinihila siya ni Zake.

"Chill, kiddo." Natatawang saad niya.

"Paano ba 'yan? Ayaw kong biguin ang anak natin." Magsasalita na sana ako ngunit bigla niya akong siniil ng halik. Mabilis lamang ito na halos ihabol ko pa ang labi ko sa kaniya nang bumitaw siya.

"Later, baby. Maghahalikan tayo magdamag." Bulong niya saka hinalikan ako sa pisngi.

"Yey! Bati na si Moma at Dada ko!" pumalakpak pa si Zake habang tumatawa.


Lumapit si Daddy sa amin at may ibinulong kay Zake na hindi ko maintindihan. Tumangu-tango naman ang bata at mabilis itong nagpabuhat.


"Ako na, Dad." Kukunin ko na sana ulit si Zake ngunit umiling silang dalawa.

"Moma, matutulog na po kami ni Lolo. Goodnight po. I love you!" nginitian lamang ako ni Daddy saka siya mabilis na tumalikod kasama ni Zake. Nahuli ko namang kumindat pa si Zach sa anak.

"Tara na," pag-aaya nito sa akin ngunit tinabig ko ang kamay niya.

"Anong tara na? Umuwi ka na sa inyo, huwag mong sabihing dito ka matutulog!" ngumuso lamang ito at inirapan ako.

"Hay, ayan na naman po tayo!" bulong niya ngunit rinig ko naman.

"Op! Huwag ka ng magsalita. Ihahatid na lang kita sa kwarto mo at uuwi na kaagad pagkatapos. Ayos ba iyon, ma'am?" sinamaan ko siya ng tingin at nagpatianod na lamang sa kaniya, hinila na naman kasi niya ako.

"Ready?" tanong niya nang nasa harap na kami ng pinutuan.

"Anong ready? Napakabastos mo talaga!" umawang saglit ang labi nito saka tumawa ng malakas.

"Ano bang iniisip mo? Ikaw ang bastos. Wala akong balak na gawin sa'yo. Pero kung 'yan naman ang gusto mo, pagbibigyan kita!" napabuntong hininga na lamang ako. Ano ba kasing iniisip ko?

"Ako na po ang magbubukas, aking reyna." Sasabihin ko sanang finger print ko lamang ang tatanggapin nito ngunit nagulat ako nang tinanggap nito ang kay Zach.


Naglaho ang aking tanong nang tuluyang makapasok sa loob. Ipinikit ko ang aking mga mata, baka sakaling namamalik-mata lamang ako ngunit wala pa ring nagbago.


"W-what's this?" hindi ko na magawang sitahin si Zach nang niyakap niya ako mula sa likod.


Ang aking higaan ay puno ng petals na galing sa pulang rosas. Ngunit hindi iyon ang nakatawag ng pansin sa aking atensyon. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nararamdaman.


Nagkalat din kasi ang mga litrato kasama ng mga bulaklak sa aking kama, litrato namin ni Zach noong mga bata pa kami. Itong batang mukha ni Zach nismo ang madalas kong mapaniginipan noon.


Nagulat ako nang biglang gumalaw ang mga petals at bumuo ng mga letra.


Can you be my girlfriend?


Ngunit hindi ko muna ito pinansin, kailangan ko munang makumpirma ang isang bagay.


"M-magkakilala na tayo mula noon? Pero paano? Bakit hindi kita matandaan?"

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora