Kabanata 43

1.3K 36 0
                                    

"Zach, kinakabahan ako." Kapit na kapit ako kay Zach habang naglalakad kami patungo sa bahay nila.


Nag-set kasi ito ng dinner upang makausap namin ang kaniyang step mom at daddy. Ang alam ko kasi'y galit ang mga ito sa kaniya dahil nawala ang business deal nila sa pamilya ni Heidi nang hindi natuloy ang kasal.


"Chill." Natatawang saad niya ngunit hindi nito naibsan ang kabang nararamdaman ko.


Ayaw sana akong payagan ni Mommy dahil alam niya ang ugali ng mga ito. Kaya lang, pamilya pa rin sila ni Zach.


"Mama, Daddy..." bati ni Zach sa dalawang seryosong nakatingin sa amin. Pareho na silang nakaupo sa mesang puno na ng mga pagkain.


Tumango lamang ang Daddy niya habang tiningnan naman ako mula ulo hanggang paa ng kaniyang Mama.


"Not bad," rinig kong bulong niya sa asawa.


Hindi pa nila alam na ang Mommy ni Zach ay step mom ko na ngayon. Ayaw daw niyang sabihin sa kanila dahil baka guluhin na naman nila ang buhay ni Mommy.


"Good Evening po," tipid akong ngumiti sa kanila. Nagmano ako sa Daddy niya ngunit nang sa Mama naman niya ako magmamano'y ngumiwi ito at nandidiring tinampal ang kamay ko.

"No, no! Too old for that!" hindi ko napigilang mapataas ang aking kilay sa kaniya.

"Mama!" galit na sigaw ni Zach, marahan niya akong hinawakan at pinaupo na lamang sa upuang kaharap ng dalawa.


Hindi pa rin inaalis ng babae ang matalim niyang titig sa akin. Tiningnan ko rin siya ng masama ngunit kusa akong bumitaw nang marinig ang baritonong boses ng Daddy ni Zach.


"Let's eat."


Awkward!


Si Zach ang naglagay ng mga pagkain sa pinggan ko. Lahat yata ng ulam inilagay niya rito.


"Zach, hindi ko 'yan makakain lahat!" bulong ko rito.

"Ha? Ayaw mo ba? Sh*t! Oo pala. Anong gusto mo? Nasusuka ka sa amoy? Palit na lamang tayo ng pinggan." Mariin akong napapikit nang bumaling ang atensyon ng dalawa sa amin.

"O-okay lang. Bawasan mo na lang." Tumango siya at kinuha ang ibang pagkain.

"Arte," panunuya ng Mama niya kaya inismiran ko ito. Nakakabwisit!

"What's your name, iha?" seryosong tanong ng lalaki.

"Kezia Maureen Santillian po."

"Dad, sila 'yong kapit-bahay natin noon." Matagal niya akong tinitigan bago bumaling sa anak.

"Ah! Naalala ko na. How's your Dad? Nakapag-asawa ba siya ulit?" muntik na akong maubo sa tanong nito.

"A-ah, opo." Hindi ako makatingin sa kaniya maging si Zach ay ramdam kong nanigas sa tanong ng sariling ama.

"That's good! Bata ba? Hahaha." Hinawakan ni Zach ng mahigpit ang kamay ko sa ilalim ng mesa, 'tila nagtitimpi.

"Hindi po, same age po sila." Mas lalong ngumisi ito.

"Hahaha! Mabuti ka pa, babe. Bata pa ako, kaysa doon sa gurang mong asawa!" mabibigat na ang hingang pinapakawalan ko.


Tiningnan ko siya ng mabuti, hindi siya maganda. Makapal pa ang make up nito. Kung tutuusin, mas maganda si Mommy sa kaniya. And of course not! Hindi mukhang gurang si Mommy dahil inaalagan siyang mabuti ni Daddy!


"Shut up, Mama!" galit na sigaw ni Zach ngunit humalakhak lamang ang bruha.

"Mawalang galang na po pero sa tingin ko, kahit na mas bata ka sa Step mother ko, walang wala ka pa rin sa ganda niya. Inside and out." Nanggagalaiti itong tumayo at dinuro ako.

"You bitch! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!" susugurin niya sana ako ngunit marahas siyang hinila ni Mr. Martinez.

"Shut up, Maricar!" nalaglag ang panga ko nang malakas niya itong sinampal sa magkabilang pisngi.

"The dinner is done. You may now go." Ngunit mas nagtindigan ang mga balahibo ko sa huling sinabi niya.

"And Kezia, I want to meet your parents tomorrow. Same time and location." Hindi pa ako nakakasagot ay pumihit na ito paalis ng kusina habang padarag na hinila si Maricar.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Where stories live. Discover now