Kabanata 62

1.2K 24 0
                                    


"Actually Kezia, naparito kami dahil may gusto kaming hinging pabor sa inyo." Nagkatinginan kaming dalawa ni Zach dahil sa sinabi ni Maricar. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan habang nagsasalita.

"Alam kong mahirap na kaming pagkatiwalaan ngayon dahil sa mga nagawa namin." Seryosong saad naman ni Mr. Martinez ngunit nakayuko lamang siya't hindi makatingin sa amin.

"I'm sorry, son. For hurting you and your mom. I know, I don't deserve any forgiveness but I'm truly sorry." Tumingin siya kay Zach and I saw his teary-eyed eyes.

"What is it, Dad?" walang emosyong tanong ni Zach, binalewala ang sinabi ng ama.

"Z-zach... p-pwede ba naming ahmm." Rinig ko ang bigat sa buntong hininga ni Maricar. Nahagip ng aking mga mata ang kamay ni Dad na hinawakan ang nanginginig na palad ni Maricar.

"K-kezia," sa akin naman siya tumingin ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. What if mom's right?

"K-kunin mo na 'yung mga ari-arian ni Jamaica. We don't need that anymore, I still have my businesses anyway." Matigas na sabi ni Dad.

"So?" hinawakan ko ang balikat ni Zach para patigilan siya sa pagtataray. Iba talaga 'tong lalaking ito, dinaig pa ako.

"But we will not sell Zake anymore." Lakas loob na sinabi ni Maricar kahit nangingilid ang luha sa mga mata niya.

"It's up to you, He's yours anyway. Remember the deal? Ari-arian ni Mommy over Zake. Give me that and kayo na ang bahala sa kung anong gusto niyong gawin sa bata." Galing nitong umarte, ha? Alam ko naman sa loob-loob niyang nagwawala na siya sa kasiyahan.

"I know that, akala ko lang kasi you also want me to sell Zake." Parang nanumbalik ang kumpyansa ni Dad sa sarili. Maging si Maricar ay nagliwanag ang mukha.

"No, Dad. Bakit niyo nga pala naisipang hindi na ibenta si Zake? Akala ko, gusto niyong mabawi ang mawawalang pera sa inyo?" nagkibit-balikat si Dad saka binigyan kami ng tipid na ngiti.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Naramdaman ko na lamang na kailangan niya ng aruga at pagmamahal. Nakikita ko nga ang sarili kong ginagawa ang mga bagay na hindi ko nagawa sa'yo. Kung ibebenta namin siya, paano kung gagawin lang siyang laruan ng makakabili sa kaniya?" tuluyan nang lumabas ang kanina ko pa pinipigilang ngisi. Sa wakas!

"Good for you, Dad and Mama." Ngumiti si Zach sa kanila. Ngunit napasinghap kami nang biglang humagulgol si Maricar, or should I call her Mama from now on?

"Sorry, Zach! For ruining your Dad and Mom's relationship. Alam kong hindi ako naging mabuting ina sa'yo." Hinahagod ni Dad ang likod niya para mapatahan.

"It's okay, Mama. Ang mahalaga ngayon ay alam niyo na ang pagkakamali niyo. I hope you already learned your lessons." Hinapit ni Zach ang baywang ko.

"Naiinggit ako sa kanila." Magkayakap na kasi ang dalawa ngayon habang umiiyak pa rin Mar-, Mama.

"Tarantado ka talaga." Bulong ko rin sa kaniya na ikinatawa niya lang.

"Thank you so much! Sana hindi pa huli ang lahat para bumawi."

"No, Mama. Let's start something new." Finally, everything's fine.


Natahimik kami ng ilang minuto ngunit bigla akong nabagabag dahil narinig ko ang boses ni Zake na papalapit sa gawi namin.


"Moma, Dada! Umalis na po ba sina Lolo---" maging siya'y natameme at nanlaki ang mga mata nang makita ang dalawang pinagtataguan.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Where stories live. Discover now